Chapter Six

25 2 0
                                    

Chapter Six

"Gosh, don't make it awks between them Kuya Sime. Matulog ka na lang muna diyan or something. I think you lack too much of sleep na." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Simeon bago niya sinuot ulit ang neck pillow. "Can I connect kuya?"

Tumango ako sa tanong ni Cadence.

Smooth lang ang biyahe hanggang sa makarating kami sa circumferential road sa harap ng isang mall. Kanina pa nagkukuwento si Cadence tungkol sa naranasan niya mula no'ng papunta pa lang sila sa NAIA kanina.

Actually, si Reese ang all ears na nakikinig sa mga kinukuwento ni Cady. At least fifteen minutes na rin siyang nagsasalita mula no'ng makaalis na kami sa airport. Non-stop. Hindi ko kasi masiyadong ma-divide ang atensyon ko sa pagda-drive at sa mga sinasabi ng pinsan ko.

Sigurado ako na, partly, nagra-rant siya dahil tulog ang kasama niya halos sa buong biyahe.

"Bakit hindi nakasama si Venice?" Tanong ko. Si Venice ang nakababatang kapatid ni Simeon, walong taon ang kanilang agwat. Siya rin ang pinakabata sa aming magpinsan.

"Tita Julia enrolled her daw in some piano class and she couldn't skip those. She's going to be with her parents, and my parents." Paliwanag ni Cadence.

Nang mag-go na ay hindi na ako nakapagtanong pa kay Cadence. Dalawa na lang sila ni Reese na nag-uusap hanggang sa makatulog na rin ang pinsan ko. Na-lowbatt din ang phone niya kaya nag-stop na ang pagplay ng music sa loob ng sasakyan.

"Napaka-hyper ni Cady," komento ni Reese.

"Excited siguro na magbaksyon ulit dito."

Tuloy-tuloy na ang pagdrive ko hanggang sa makabalik na kami sa bahay nina lolo at lola. Naabutan namin sila na nagkakape sa garden at malalaki ang ngisi habang tumitingin sa sasakyan na pinapark ko sa garahe.

"OMG! LOLA, I MISSED YOU SOOOO MUCH!"

Kulang na lang ay tumalon palabas ng bintana ng sasakyan si Cady kung hindi ko kaagad na in-unlock ang mga pintuan. Hindi pa nakapag-adjust ang mata ni Simeon sa liwanag, pero kaagaad na tumakbo na ang pinsan namin papunta kay lola para yakapin ito.

"Jeez, nasa bahay na tayo?" Tanong ni Simeon bago niya binuksan ang pintuan sa side niya.

Sumunod ako kay Simeon na lumabas ng sasakyan. Mabilis niyang binati sina lola at lolo tsaka bumalik sa garahe para kunin ang luggage nila ni Cady - na nakikipag-usap pa rin ngayon kina lola at lolo, particularly kay lola.

Noong February lang sila huling nagkita. Hindi ko naman masisisi si Cady, siya ang paboritong apo ni lola after all. Dati ay mina-match pa nila ang kanilang mga susuotin. Hinayaan na lang namin sila at dineretso na ang kanilang luggage sa guest room.

"I'm so friggin' exhausted," dinig kong sinabi ni Simeon.

Bale, dalawa ang queen size beds sa loob ng guest room at isa naman ang twin bed. Humilata si Simeon sa kama na hinihigaan namin ni Ian. Siguro ay kami na lang ni Simeon ang magshe-share ng higaan at mag-isa na lang si Ian sa twin bed.

"Hindi ba sumasakit ang ulo mo kaka-tulog?" Umupo ako sa sofa para ipahinga ang katawan ko. Hindi rin ako nakapagdrive ng halos isang buwan.

Compiled MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon