Chapter Sixteen

18 1 0
                                    

Chapter Sixteen

"Uh, thank you."

Binigyan niya ako ng kaunting ngiti na nagpa-satisfy sa akin. May kung anong binubulong si Cady habang niyuyogyog ang balikat ni Simeon habang narinig ko naman ang pagtikhim ni lola na sinundan ng pag-inom niya ng tubig.

Pagkatapos ng iilan pa na pag-uusap nila tita at tito ay natapos na ang lunch. Sina Tito Gab at Tito Russ ang nagpresenta na ayusin ang hapag at mga dapat na hugasan. Nasa sala lamang kami na magpinsan kasama si Ian dahil nagbanyo pa si Reese. May kung anong pinag-uusapan ulit sina tita at mama sa garden kaya nagpresenta na lang din si Tito Theo na tumulong kina Tito Russ.

"You finally like Ate Reese?" Hindi makapaniwalang bulong ni Venice sa gilid ni Cady. Hindi ako nabahala sa tanong niya kundi sa sinabi niyang 'finally'. What does that suppose to mean?

"Oh, yeah." Nag-apir sina Cady at Venice. Napailing na lang ako dahil kay Cady.

"Oh my gosh, I think hindi ako makapaniwala..." Napahawak pa si Venice sa kaniyang bibig na parang gulat na gulat.

"Talaga!"

Nagbabasa lang ako ng kung ano sa Twitter nang dumaan si mama sa sala. May hinahanap siya na hindi ko alam, pero nang mamataan niya ako ay tinawag niya ang pangalan ko. Ako ang hinahanap niya?

"Yes, ma?"

"Can we talk for a sec?" Tanong niya sa akin. Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Cady.

"We'll go upstairs na lang, tita. Kuya Simeon told us na may papanoorin kaming movie. We'll just set it up and wait for Kuya Euan na lang." Mas lalong sumingkit ang mata ni Cady nang ngumiti siya kay mama.

"Huh?" Gulat na tanong ni Simeon na kaka-bungad lang dahil kanina pa siya nakaharap sa kaniyang phone. Gusto niya pa 'atang pigilan sina Cady.

"Don't be epal, kuya."

Mahina akong natawa dahil sa binulong ni Venice sa kaniyang kuya bago niya ito hatakin papunta sa hagdan.

Lumingon ako kay mama nang umupo siya sa kabilang sofa at tumikhim. Kaming dalawa na lamang ang natira sa loob ng unang palapag dahil nasa labas ang mga tita at tito ko habang pumasok sa kanilang kuwarto sina lola at lolo.

"Baka may gusto ka'ng sabihin sa akin, 'nak?" Tinaasan ako ng kilay ni mama. Napalunok ako bago magsalita.

"Gusto ko pa sana'ng ligawan si Reese, ma." Bagsak sa sahig ang tingin ko habang nagsasalita.

"Naiintindihan ko naman na hindi mo 'to binanggit sa akin noong mga nakaraang araw." Nilingon ko si mama na nagsasalita. "Pero baka gusto mo akong sabihan ng kung ano ang nasa isip mo, kung gusto mo lang. Medyo nagulat din kasi ako kanina nang si Reese ang nagreply."

Tumawa si mama nang sabihin niya iyon.

"Nasa hospital po kasi kayo noong mga nakaraang araw kayo hindi ko po nasabi sa inyo, sorry."

"Ayos lang. Naiintindihan ko Kael." Nakangiting sinagot ako ni mama at niyakap ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi.

"Sa tingin ko hindi ka pa sinasagot ni Reese, ah?"

Kaagad akong napaiwas ng tingin kay mama dahil sa dagdag niyang sinabi. Napakamot ako dahil sa hiya.

"Opo, eh."

"Hintayin mo na lang siguro, Kael. May feeling ako na gusto ka rin ni Reese." Kinindatan ako ni mama pero ngumuso lang ako.

"Ma, 'wag ninyo po akong paasahin."

Kahit gumaan ng kaunti ang loob ko dahil sa sinabi ni mama ay sinaway ko pa rin siya. Ayaw ko'ng umasa. May pagkakataon na pinag-iisipan nga ng ibang babae kung papayagan nilang manligaw ang lalake kahit puwede naman siyang kusa na manligaw pero kadalasan ay nauuwi iyon sa rejection. Ayaw kong isipin ang mga gano'n.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now