Chapter Five

25 2 0
                                    

Chapter Five

Hindi kaagad na nakatugon si Reese sa sinagot ko sa kanya. Sumingkit ang kaniyang mga mata at tinuro ang mukha ko. Ngumisi ako bilang sagot sa kaniya. Nang sa tingin ko ay magsasalita siya ulit ay hinawakan ko na ang kamay niya para pumunta sa escalator.

"Saan tayo babantay ng taxi ulit?" Baling ko kay Reese na nakahawak pa rin sa braso ko.

"Sa labas ng Jollibee," sagot niya. Kanina pa niya ako tinititigan na parang may iniisip.

Tumango ako at lumabas ng mall para makasakay ng taxi.

Sa mga sumunod na araw ay hindi kami masiyadong abala sa mga gawain. Binisita ko kahapon si mama sa hospital, isang araw ang lumipas pagkatapos naming mamasyal ni Reese. Ngayong araw ay wala namang masiyadong ganap.

Nasa loob lang ako ng guest room habang naglalaro sa phone ko sa sofa. Nasa loob din si Reese na nasa kaniyang kama at nanonood sa TV. As usual, wala si Ian dahil pumunta sa basketball court.

Hindi naman masiyadong tahimik ang guest room dahil sa tunog ng TV, aircon, at sa nilalaro ko sa cellphone. Maaga pa para maging chatty si Reese at ilang oras pa lang din naman ang lumipas mula nang magbreakfast kami.

"Walang plans sina Cady at Simeon para magbaksyon?"

Hindi ako kaagad na nakasagot dahil pumroseso pa sa utak ko ang tanong ni Reese.

"Wala... Hindi ko alam. Parang wala naman silang may nasabi." Sagot ko sa kaniya. Nahihirapan na akong ibalik ang focus ko sa nilalaro. Nang matalo na 'ko ay binaba ko ang phone at hinarap si Reese. "Bakit?"

"Wala naman. Na-miss ko lang si Cadence. Nakukulangan ako sa ingay ng bahay nina Lola Naomi kapag wala si Cadence."

Totoo. Iba talaga ang ingay na dala ni Cadence kapag umuuwi siya rito. Friendly kasi siya kahit saang lugar siya ipapadala.

"Oo nga eh."

Pagkatapos lumipas ng ilang minuto ay nagpasya kami ni Reese na bumaba sa first floor para tumulong sa kung ano man ang iluluto ni lola para lunch. Pagbaba namin ay nakaupo lang si lola sa sofa at nanonood ng isang talk show habang tumatawa.

Babalik na sana kami sa guest room nang may maisip si Reese.

"Bilhan mo 'ko ng ice cream?" Sabi niya sa'kin.

Mas nakakalakad na siya ngayon ng mabuti at hindi na niya kailangan pang hawakan ang braso ko.

"Sige. Sa'n ba?" Tanong ko sa kaniya.

Dala ko na ngayon kahit saan pa ako pupunta ang wallet ko. Nagpaalam kami kay lola na lalabas muna ng bahay pero sumagot lang siya ng kaniyang tawa. Diretso na lang kami na lumabas ng bahay dahil mabilis lang naman daw.

Pagdating namin sa park ay marami ang mga bata na naglalaro sa kanilang maliit na playground. Marami-rami rin ang mga taong nagpapasyal ng kanilang mga aso o pusa. Hindi nakaranas si Reese na mag-alaga ng aso o pusa dahil allergic siya sa fur ng mga ito.

"Duwa ka tig-twenty, nong." Dinig kong sinabi ni Reese pero binigay ko pa rin ang fifty-peso bill ko sa ice cream vendor.

(Dalawang tig-bente, kuya.)

"Hindi pa ako kakain ng ice cream," bulong ko kay Reese. Hindi kasi ako kumakain o umiinom ng kahit anong malamig sa umaga.

Tumiyad si Reese at lumapit sa tenga ko, may ibubulong.

"Para sa kapatid ko, hindi sa'yo." Tumawa si Reese matapos niya 'yon sinabi.

Nakita ko si Ian na naglalakad papunta sa amin ng ate niya. May kasama pa siyang apat na lalakeng matatangkad. Sa tingin ko, dalawa sa kanila ang halos may kaparehong height sa'kin. Basketball jerseys ang suot nilang lima at hawak ng isang lalake ang bola.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now