Chapter Nine

20 2 0
                                    

Chapter Nine

Tiningala ko si Simeon na tumawag sa akin. Gulat na tumitingin lang si Cadence habang hawak niya ang kaniyang cellphone. Lumayo si Olive mula sa akin at pinahiran ang kaniyang mukha gamit ang panyo ko.

Nang tignan niya si Cady ay mas lalo lang nagulat ang pinsan ko.

"You're Olive Esteria, right?" Saglit na tumigil si Cady at biglang lumawak ang mata niya. "You're Kuya Euan's jowa?" Tinakpan ni Cady ang kaniyang bibig gamit ang dalawa niyang kamay.

"No, I'm just your kuya's friend." Maliit na ngiti lang ang pinakita ni Olive sa kaniya.

"Oh. I'm sorry." Akward na ngumiti si Cadence kay Olive. Tumango ako sa kaniya nang tinuro niya ang dalawang bakanteng upuan sa harap namin.

"This is Olive, a friend from USC." Pagpapakilala ko sa kanila. "Olive, they're my cousins. She's Cadence and he's Simeon." Kumaway si Cady kay Olive habang ngumiti naman si Simeon.

Tumayo ako at pumunta sa counter nang muntik ko nang makalimutan ang inorder ko. Pagbalik ko ay may pinag-uusapan sina Cady at Olive habang tahimik lang na nakikinig si Simeon sa kanila.

"Cady, may in-order ba kayo?" Tanong ko sa pinsan ko habang isa-isang nilalapag ang mga in-order ko para sa akin at kay Olive.

"Yeah," simpleng sagot ni Cadence at bumaling ulit kay Olive.

"If you don't mind me asking, what happened to your eyes?"

Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Olive kay Cady at tahimik na sumimsim sa smoothie niya.

"I, uh, my boyfriend broke up with me." Ngumiti ng mapait si Olive kina Cadence. "I don't even know what to do or where to go right now." Mahinang tumawa si Olive.Pinahiran niya ang kaniyang pisngi nang tumulo ulit ang luha niya.

"Oh my, what a douchebag." Pinaikot ni Cady ang kaniyang mga mata.

"May ticket ka na ba pabalik ng Cebu?"

"No. Actually, yes." Bumuntong hininga siya bago pinatuloy ang kaniyang sinasabi. "Phil kept our tickets and I don't know where he fled." Humihikbi niyang pinaliwanag.

"Alam na ba 'to ng mga kaibigan mo?"

"No."

Tumaas ang kilay ni Cadence sa sinagot ni Olive sa kaniya. Mahina kong tinapik ang kamay ng pinsan ko.

"You should tell them."

"It's just that they used to keep warning me about Phil, and I did not listen to them." Yumuko si Olive at umiyak.

"If they are your friends, they'll unquestionably come for you."

Napatingin ako kay Cadence dahil sa sinabi niya. Aba, nagma-mature na ba ang isip ng pinsan ko? Tinignan siya ni Olive at nginitian. Nilabas niya ang kaniyang phone at may tinype.

"You know what, I have an idea."

#

"Shopping ba?"

Kibit-balikat ang sagot ko sa tanong ni Simeon.

Sabi ni Cadence ay may pupuntahan lang sila dito sa loob ng mall. Nang umalis na sila ni Olive ay pumunta kaming dalawa para kumain sa Pepper Lunch. Hindi namin alam kung saan pupunta sina Cady at Olive pero magtetext naman daw sila.

"Sa tingin ko matatagalan sila," wala sa sariling sinabi ni Simeon habang kumakain.

Pumunta kami sa National Book Store pagkatapos naming kumain dahil may bibilhin daw siya. Pumunta ako sa aisle ng mga novels. Wala naman akong oras para magbasa ngayon ng mga libro, pero nang dumaan ako sa harap ng isang libro ay may kung anong tumulak sa loob ko na bilhin iyon.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now