Chapter Fourteen

20 1 0
                                    

Chapter Fourteen

Mabilis akong nag-ayos pagkatapos akong ginising ni Simeon. Nakita ko siyang naka-suot na ng hoodie at shorts habang nagtu-tooth brush pa lang ako. Gulat akong pumikit nang bumagsak ang ginagamit kong baso sa sink dahil sa pagmamadali ko na sinundan ng reklamo ni Cadence.

"Bro, relax." Tumatawag sinabi ni Simeon.

Pinili ko ang mga damit na una kong nakita sa loob ng aparador. Black pants, shirt, at denim jacket. Naalala ko dati na giniginaw ako sa passenger seat nang sinundo kami mula sa airport. Chilly ang temperatura kapag ganitong oras ng umaga.

Sabay kami ni Simeon na bumababa sa hagdan nang narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas. Patakbo sana kaming lalabas ng pinsan ko pero biglaan kaming hinarangan ni lola. Binigay niya sa amin ang tatlong tumblers na hawak niya.

"Tubig ang mga 'yan. Ingat kayo!"

Matapos kaming nagpaalam kay lola ay dumiretso na ako sa garahe habang binubuksan pa ni Simeon ang gate. Binigay ko sa kaniyang ang tatlong tumblers dahil ayos lang naman ako. Pinalagay niya ang isa sa passenger seat habang hawak niya ang dalawa para kina tito at Ian.

Paglingon ko ay namataan ko ang sasakyan ni Tito Gab na nasa labas din ng gate nila. Lumapit si Simeon side ng passenger seat, akala ko ay papasok na siya pero kumatok lang siya sa bintana nito.

"Bro, ibibigay ko lang ang mga 'to kina Tito Gab." Tumango ako nang pinakita niya ang dalawang tumblers.

Akala ko ay binigay niya na ang mga 'yon. Huli ko siyang nakita na tumatakbo papunta sa sasakyan ni tito. Nilabas ko ang phone ko at pumunta sa Spotify para magpa-play ng music. Binaba ko iyon at nilakasan ng kaunti ang volume. Nagulat na lang ako dahil biglang bumukas ang pintuan sa passenger seat.

"Good morning?" Nalilito kong pagbati sa kaniya.

"Tanungin daw kita sabi ni papa kung pwede ka raw ba'ng mauna. Medyo nakalimutan na daw niya dahil si Tito Russel ang sumundo-"

"Really?" Tinuro ko sa kaniya ang dumaan sa harapan ng sasakyan ni lolo. Napanganga naman si Reese dahil sa nasaksihan niya. Tumatawa pa lang ako nang napansin kong umiilaw ang phone ko.

'Tito Gabriel: Morning, Kael. Biro lang ang sinasabi ni Reese. Alam ko naman talaga ang papunta sa airport. Ikaw na ang bahala sa anak ko.

Tito Gabriel: Dumaan muna kayo sa kung saang drive thru. Breakfast muna at take your time hahaha. Nadelay daw ng isang oras ang flight nila.'

Humagalpak ako sa kakatawa dahil sa sinend ni Tito Gab na messages sa akin. Nang makita kong kunot noo akong tinitignan ni Reese ay binigay ko sa kaniya ang phone ko. Hindi makapaniwala siyang tumitig doon.

"Pasok ka."

Binigay niya sa akin ang phone ko at umupo sa passenger seat. Tumipa ako ng ire-reply ko kay Tito Gab bago ko sinimulang magdrive palabas ng subdivision. Dumaan na sa gilid ng simbahan sa plaza ang sasakyan nang may napansin ako.

"Your seatbelt please."

Nilingon niya ako at nagmadaling kinuha ang seatbelt. Pagkatapos no'n ay ang kanta na lamang na nagpe-play ang nagsisilbing umiingay sa loob. Mahina akong suminghap bago ko siya binalingan ng tingin.

"Saan mo gustong magdrive thru?" Tanong ko sa kaniya kahit alam kong Jollibee at McDo lang naman ang madadaanan namin sa Megaworld at Buhang Taft North.

"Jollibee?"

Nilingon ko siya dahil sa hindi sigurado niyang sagot.

"Sure?"

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now