Chapter Seven

23 2 0
                                    

Chapter Seven

Nakatayo pa rin sa likod ni mama si Tita Ericka at may sinesenyas sa'kin. Hindi rin ba niya alam? Siya ang kasama ni papa noong sinugod nila sa hospital si mama. Siya rin ang nagsabi ng tungkol kay papa nang dinala ko ang mga gamit sa hospital. Ano'ng isasagot ko sa kaniya?

"Hindi ko po alam."

Tinitigan ako ni mama ng diretso sa mata. Chinecheck niya kung nagsisinungaling ako! May urge akong naramdaman na umiwas ng tingin, pero magiging komplikado lang 'to kapag ginawa ko 'yon.

"Sige. May lasagna raw sa baba, magshower ka muna at kumain." Ngumiti si mama bago dumiretso sa third floor. Nang dumaan si tita sa harapan ko ay nagthumbs up siya bago niya sinundan si mama. Hindi ba kami masiyadong nakakaabala kay tita?

Kagaya ng sinabi ni mama, nagshower ako sa banyo ng kuwarto ni tito Russ bago bumaba.

Si Simeon at lola ang mga naghuhugas ng pinggan habang nasa hapag sina Reese at Cady na nag-uusap kasami si Ian. Umupo ako sa gilig ni Reese para ubusin ang lasagna na nasa plate ko kanina.

"Kuya, what did Tita Rachel tell you?"

Nilapit ni Cadence ang kaniyang upuan sa mesa at humilig sa direksyon ko.

"Tinanong niya 'ko kung saan si papa ngayon." Kunot noo kong tinignan sina Reese at Cady. "Bakit? Ano'ng nangyari kanina?" Narinig ko ang pag-ingay sa first floor habang paakyat ako kanina. Hindi ko lang masiyadong marinig dahil nasa mga sulat ang concentration ko.

"Tita was all over the place kanina, kuya. I don't think she feels good today."

Hindi nagsisinungaling si Cady sa mga sinabi niya. Napansin ko rin 'yon kay mama. Masyado siyang balisa at nalilito. It's already weird na ang mga sulat at litrato ang una niyang hinanap pag-uwi niya rito.

"Ma, kain po kayo."

Nilingon ko ang sinasabihan ni Reese na nasa likod ko. Bumaba na si Tita Ericka pero hindi niya kasam si mama. Mukha siyang nag-aalala habang naglalakad siya papalapit sa'min. Umupo siya sa harapan ni Reese at kumuha ng lasagna.

"Thank you talaga tita sa pagbantay kay mama sa hospital." Tumigil siya sa pag-kain dahil sa sinabi ko sa kaniya.

"Ayos lang 'yon, kaibigan ko naman si Rachel." Ngumiti si tita pero maliit lang 'yon.

"May nangyari po ba kanina sa hospital? Bakit kanina lang po namin nalaman na na-discharge na si mama sa hospital?"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni tita nang tanungin ko siya.

"Una niyang hinanap si Eli nang magising siya kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya dahil natakot ako na baka tumaas ulit ang blood pressure niya." Niyakap ni Reese si tita nang yumuko ito.

Una nang pinaliwanag ng doctor kay tita na nawalan ng malay si mama dahil tumaas ang presyon niya. Ang kino-consider ng doctor na nag-cause ng pagtaas ng BP ni mama ay ang stress.

Wala naman akong ibang maisip na pwedeng magcause ng pagka-stress ni mama no'ng araw na 'yon kung hindi si papa. Hindi rin tatagal ang ginawa naming excuse dahil wala akong alam kung kailan siya babalik.

#

"Nasa'n ba talaga si Tito Eli?" Tanong ni Simeon habang nakaupo sa sofa ng guest room.

"Nasa Cebu. Pinatawag daw siya ng boss niya," bumuntong hininga ako ulit.

Binaba ni Cady ang phone ni Ian na nilalaruan niya at tumingin sa'min ni Simeon.

Compiled MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon