Chapter Twelve

18 1 0
                                    

Chapter Twelve

Nalilito kong ni-swipe ang notification hanggang sa napunta ako sa mismong app. Hindi ako namamalikmata, galing talaga iyon kay Reese! Pero hindi iyon para sa'kin dahil may ni-mention siya na 'girl'. Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lang ang message mula sa kaniya.

"I can't believe this. I'm nahuhuli sa news!"

Binalingan ko si Reese na busy sa paggamit ng kaniyang phone. Titig na titig siya sa screen habang kumo-kunot ang kaniyang noo. Marahil ay hindi pa niya nare-realize na sa'kin niya na send ang text.

'...'

Pagkatapos kong isend sa kaniya ang tinype ko ay tinignan ko siya. Pinanood ko ang kaniyang reaction habang titig na titig siya sa kaniyang phone. Namilog ang kaniyang mata at may kung ano siyang ni-click doon. Tinitignan ko siya, nalilibang, dahil sa hindi makapaniwala niyang reaksyon.

"Conyo mo talaga, Deng."

"Will you stop calling me Deng, Shang?"

Nagkatinginan kami nang inangat niya ang kaniyang ulo pero kaagad din siyang umiwas. She was rapidly tapping her fingers sa inuupuan niyang sofa. Tumayo siya mula sa sofa at lumibot sa likod nito, nagdadalawang isip kung lilingon o hindi. Sa huli ay pinili niyang lumingon, pero hindi siya diretsong nakatitig.

"Uh, mali ang sinendan ko." Nauutal niyang pagdepensa. Mabilis siyang naglakad papunta kina lola at Tita Ericka. Maikli ang kanilang naging pag-uusap bago naglakad ulit palayo si Reese.

"Ate!"

Huli na nang sumigaw si Ian dahil lumabas na ng main door ang ate niya. Binaling nilang tatlo ang kanilang mga ulo sa direksyon ko. Tinititigan nila ako na parang nagtatanong ng kung ano man ang nangyari.

"Sa maling tao siya nagsend ng text message," kumibit balikat ako sa kanilang tatlo bago bumalik sa panonood sa YouTube. Halfway through na ako sa panonood nang naka-receive ako ulit ng notification mula sa messaging app. Nang buksan ko iyon ay si mama pala ang nagreply.

'Mama: Congratulations sa kanila! Bantayan mo diyan ang mga pinsan mo ah? Kayo ni Simeon, bantayan niyo si Cadence dahil kuya kayo.'

Tinawag ko si Ian na busy sa pagkausap kay Cadence.

"Congrats daw sa pagkapanalo ninyo sabi ni mama." Nagform ng 'o' ang bibig niya at ngumisi dahil sa ni-relay ko.

"Thank you kamo."

'Thank you daw, ma. Ayos naman dito si Cady, komportable pa nga po siya. May sinabi na po ba ang doctor sa inyo?'

Umalis ako sa messaging app at bumalik sa YouTube. Natapos ko na ang pinapanood kong vlog nang nakakita ako ulit ng panibago mula sa isang kaibigan ni Cadence. Ni-rekomenda niya sa akin ang channel at pina-subscribe para makatulong. Supportive.

Sampung minuto ang itinagal ng vlog, pero ayos lang din naman. Kahit tungkol sa skincare routine niya ngayong summer ang video ay tinapos ko iyon at ni-like. Ibababa ko na sana ang phone ko nang nakita kong nakapagreply na si mama.

'Mama: Malapit na raw akong ma-discharge. A few more time to recover and some check-ups. See you soon, Kael.'

Mabilis akong tumipa ng reply bago ko nilapag ang phone sa coffee table. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng yakult sa ref. Habang hinahanap ko ang yakult sa loob ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila lola at tita unintentionally. Maraming binabanggit na salitang 'dati' si Tita Ericka sa kanilang pag-uusap kaya in-assume ko na tungkol iyon noong bata pa sila.

Compiled MemoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora