Chapter Eleven

29 1 0
                                    

Chapter Eleven

She was staring at me unbelievably with her mouth gaping a bit. My heart was palpitating so hard that I thought I was going to faint in front of her. Hindi siya nakasagot at hindi ako nagsalita. The overflowing thoughts in my head were jumbled. They were all over the place. Hindi ko mabasa ang iniisip ni Reese. Was I too much? Was I being too inconsiderate? Did I overly trust my gut feeling?

"Ate? Kuya Euan?"

Humakbang ako palikod out of impulse nang marinig ko ang boses ni Ian. Pabalik-balik niya kaming tinitignan na parang nagtatanong. He was assessing us.

"Ano 'yon, Elysian?" Nauutal na itinanong ni Reese nang lingunin niya si Ian. Habang nagsasalita siya ay nanginginig ang kaniyang labi. Pumunta siya sa kaniyang kapatid habang humahawak sa counter.

"Tinatawag ka ni mama, ate." Ani Ian.

Tumango si Reese sa kaniyang kapatid at walang lingon na naglakad palayo. Naguguluhan na sinundan ng tingin ni Ian ang kaniyang ate at binalik iyon sa akin, pero napalitan iyon ng ngiti bago siya sumunod sa kaniya palayo.

"May dagdag na tayong cheerleader!"

Binaba ko ang ulo ko habang naglalakad pabalik sa garden. Maingay pa rin ang mesa pero wala na doon sina Reese at Ian. Paupo ako nang mapansin kong tinititigan ako ni Carlson, but I did not mind him. Iba ang iniisip ko ngayon.

I risked something special because of a gut feeling. Sana hindi ako tuluyang layuan ni Reese although it's inevitable dahil posibleng nabigla siya sa mga sinabi ko. I didn't want to hide something just to regret that one day. Kung kailangan ko pang magcompete laban kay Carlson ay gagawin ko iyon.

"Saan ka pumunta?" Nagulat ako ng kaunti dahil sa pagbulong ni Simeon sa gilid ko.

"Kusina lang naman. Bakit? Ano'ng nangyari pagkatapos ko umalis?"

He pursed his lips at umiwas ng tingin nang hindi ako sinasagot. Mukhang wala namang masiyadong nangyari dahil halos pareho lang ang ingay nang umalis ako at pagkabalik ko dito, minus na lang sa mga asar ng teammates ni Ian kila Carlson at Reese.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa gitna ng pagkukuwento ni Simeon tungkol sa bagong labas na Jumanji. Masiyado siyang immersed sa pagkukuwento na hindi niya napapansin na nilabas ko ang phone ko para tignan ang message.

'Cadence: I have some chika for you later, kuya.'

Bumaling ako kay Cadence na nakikipag-usap na ngayon sa number twenty-three sa team nila Ian. Malakas silang tumatawa kasama ang iba pang mga lalake. Parang mababait at maaasahan naman ang mga teammates ni Ian at mukhang hindi naman na o-out of place si Cadence kaya hinayaan ko na lang siya.

Kasama ko ang dalawa kong pinsan pauwi sa bahay. Reese was nowhere to be found kaya't kina Ian at Tita Ericka lang ako nakapagpaalam. Pagdating namin sa bahay ay nakaupo na sa sala sina lola at lolo. Kaagad nila kaming nilingon pagkapasok namin sa kanilang bahay.

"May pagkain pa sa ref kapag gusto ninyo," dinig kong sinabi ni lola.

We responded to her bago kami umakyat. Kaniya-kaniya kaming dumiretso sa mga banyo para makapagshower dahil masiyadong mainit ang panahon. Sa guest room si Cadence, banyo ng kuwarto ni Tito Russ ang ginamit ko habang bumaba ulit si Simeon para gumamit ng common bathroom sa unang palapag.

Habang nasa loob ako ng banyo ay hindi maalis-alis sa isip ko ang reaksyon ni Reese. Hindi ko mawari kung galit siya sa'kin, disappointed, o nasisiyahan. Medyo unlikely ang panghuli pero posible din niyang naramdaman iyon.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now