Chapter Twenty

24 1 0
                                    

Chapter Twenty

Namangha ako sa sinagot ni Tito Zuriel. Siguro, nakita na nila dati ang mga bato na kino-collect ni papa. I was glad na umuwi si tito rito at may tatanungan ako na tungkol kay papa. Alam kong naaapektuhan si mama tuwing tinatanong ko siya ng tungkol sa kaniya.

"Gusto mo ba'ng makita ang... collection ng papa mo?"

Sa boses pa lamang ni tito ay alam ko nang nag-aalinlangan siya sa pagtanong. Alam na nga niya siguro ang kung anong nangyayari kina mama at papa. He doesn't need to feel nervous though.

"Puwede po ba?" Kaagad akong sumagot sa kaniya. Inisip ko na parang makikilala ko na rin si papa kung ano man siya dati, if ever ipakita nga ni Tito Zuriel sa akin.

"Puwede naman, but I can't bring it to you this week dahil hindi ko na alam kung saan 'yon napunta." Tumikhim si tito at tumingin kina lola.

I felt a bit down dahil sa sinabi niya. Kinalimutan na talaga siguro ni papa ang dating mga gusto niyang gawin.

"Okay lang, tito."

"I haven't heard from you since you were seven years old. Just tiny bits of news from your Lola Naomi and your other titas and titos."

Interesado akong nakinig sa sinasabi ni Tito Zuriel.

"Are you courting someone?" A smile tugged at the corner of his mouth.

Nakaramdam ako ng titig ni Cady at hindi ko nakikita si Reese dahil medyo malayo siya sa nilipatan kong upuan.

"Si Reese, tito." Confident ko'ng sagot sa kaniya.

Napansin ko na napangiti sina lola habang tuwang-tuwa naman si Cady sa kung ano-ano ang pinagsasabi niya. Nilingon ko si Reese na ngumingisi, ngunit nang magtama ang paningin namin ay lumingon siya sa kabilang dako ng garden.

"Ericka and Gab's daughter?" Tila gulat na sinabi ni tito sa akin.

Naalala ko ang picture nila kasama sina Tita Ericka at Tito Gab. Magbabarkada nga pala sila dati, o hanggang ngayon din.

"Yes, tito."

Tumango-tango siya sa sagot ko at parang pino-proseso pa sa kaniyang utak ang mga sinabi ko. I understand kung nabigla siya dahil walang idea si tito na dati pa kami magkakilala.

"Goodluck then," marahan tinapik ni tito ang likod ko tsaka siya ngumiti.

"Euan!

I ran immediately papasok sa bahay nang marinig ko ang sigaw ni mama. Tumigil ako sa sliding door na nasa kusina kung saan siya nakatayo. Everyone became quiet, kung hindi lang dahil sa isang natapon na cup ni Cady. Nanatili ang tingin ni mama sa likuran ko bago niya iyon nilipat sa akin.

"Puwede ko ba'ng hiramin ang... c-charger mo?"

Tumango ako kay mama kahit no'ng una ay nag-aalinlangan akong pumunta sa second floor. Binuksan ko ang pintuan ng guest room na tinutuluyan naming magpinsan. Dumiretso ako sa sidetable para kunin ang charger ko na nasa drawer.

Pagkabalik ko sa sala ay binigay ko kay mama ang charger ko. She smiled bago siya pumunta sa maliit na mesa malapit sa TV para icharge ang kaniyang phone. I accidentally saw her phone lighting up at ipinakitang 'eighty percent' charged iyon.

"Kuya, can you come with me sa park?" Ani Cady.

"Sige, pero asan si Ian? Ba't hindi siya ang sinama mo?"

"He told me na he has something to do pa raw, eh."

Kumibit balikat si Cadene habang tumango naman ako sa kaniya. Nagpaalam ako kay mama tsaka kami lumabas ng garden at doon ko nakita si Reese.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now