"Ayos lang ba si Dina? Nag-alala ako sakanya e."

"Huh? You're worried about her? Bakit? Ano bang meron?"takang tanong ko.

He looks taken aback."Ah. Hindi mo alam? Si Dina talaga."he shooked his head. "Inatake ang papa ni Dina. Hindi pa naman iyon nababalita. Ang akala ko alam niyo na since you guys are friends. Gusto ko sanang damayan si Dina but you know her. Tatarayan lang ako nun at baka hindi niya magustuhan at masamain ang pagdamay ko. Can you...please check her for me."

"Hindi mo kailangan magplease, Mariano. Kaibigan namin si Dina. Huwag kang mag-alala aalamin ko. Salamat. Wala kaming kaide-ideya dahil mukha naman siyang normal."

"She's really good in faking her emotions. Atsaka puwede bang...sabihin mo na magkita kami. Saglit lang may gusto lang akong sabihin sakanya."napakamot siya sa batok na parang nahihiya.

Malapad akong ngumiti sakanya at tumango."Sige. Sasabihin ko."

"Salamat, Tori."

Pagkatapos ay nagpaalam na ito na mauuna na at babalik na sa klase nila.

Pagbalik ko sa classroom ay kay Dina agad dumapo ang tingin ko. Exam na at napansin ko na parang tulala siya.

Napailing ako at umupo na sa upuan katabi ni Trek na kanina pa ata nanunuod saakin.

"Are you okay?"bulong niya. Nasa harap si teacher Lani nakaupo.

"Oo. Pero si Dina mukhang hindi okay."sagot ko. I bite my lower lips.

He nod softly."Concentrate on your exam first. Later you can talk to her."

Tumango ako sa sinabi niya at bumalik na sa pagsagot sa test paper ko.

Halos sabay kami ni Trek natapos o hinintay niya lang ako dahil pagtayo ko ay sumunod na talaga siya saakin.

Nang mag-uwian ay pasimpleng nagpaalam saakin si Trek.

"Maglalaro kami nila kuya ng basketball sa court baka madaanan o maabutan mo. Sana makapanuod ka."

Tumango ako."Sige. Titignan ko. Kakausapin kasi namin si Dina e."

"Okay. Sinong kasabay mong uuwi?"he asked.

"Baka sila Dina na din. Sasabihin ko kay Cristina na hindi na muna ako sasabay sakanya ngayon."

Tumango siya at parang napaisip.

"Can I walk you home? O ihahatid na lang kita gamit ang sasakyan namin."

"Huh? Baka may makakita? Lalo na at hindi ka naman taga Carac, Trek."sabay iling ko.

"Akong bahala. Gagawan ko ng paraan. See you later. Text me. Don't forget."pagkatapos nauna na siyang umalis ng makita niyang papalapit na saakin sila Dina.

"Anong pinag-usapan niyo?"usisa ni Garen.

"Ah. Wala. Tungkol sa test lang."

"Ah."

"Halika na! Uwi na tayo!"si Dina with her usual bubbly tone.

"Ah, Dina."I called her."Do you want to open up something? Alam mo maganda kung ilalabas mo iyan at ikukuwento."

Ang kaninan nakangiting mukha ni Dina ay bigla na lang natulala at maya-maya pa ay napahikbi.

"S-Si papa,"umpisa niya. Inalalayan naman siya nila Garen na makaupo muna. Hindi pa kami nakakaalis sa classroom at kami na lang ang natirang magkakaibigan.

"Inatake siya sa puso. Sabi ng doctor isang atake pa at baka bawiin na siya saamin. Ayoko sanang sabihin dahil hindi naman kayo sanay na ganito ako. Pero hindi ko na napigilan."pagkukuwento niya.

"MY GOSH!"Natutop ni Dandan ang bibig."Dina! May pinagdaraanan ka palang ganyan! Bakit hindi mo sinabi kanina?"

"Ayokong mag-alala kayo."iling ni Dina.

"Pero magkakaibigan tayo! Natural lang na mag-alala kami sayo, Dina."I said.

Dina smiled at me, may luha pa sa mga mata niya.

"I know. I'm sorry guys. And thank you. "

"Alam mo hindi bagay sayo pag umiiyak ka."Gerald shook his head."Ang pangit mong umiyak!"

"Heh! Nagsalita ang gwapo. E ikaw nga di ka pa umiiyak pangit kana."sabay irap ni Dina kay Gerald.

"That's the Dina we know."sabay ngisi ni Gerald sa babae.

"Saan mo nga pala nalaman na may problema si Dina, Tori?"Garen asked.

"Ah...kay Mariano. Nagtanong siya saakin kanina kung ayos ka lang ba daw Dina. He's worried about you. At pinapasabi niya kung puwede ba daw kayo magkita."

"Ang Mariano talaga na yon!"

"O kalma! Nagmamalasakit sayo iyong tao tapos aawayin mo nanaman."si Gerald sabay baling kay Dina.

"He's nice."I said to them na ang tinutukoy ay si Mariano.

Napatingin saakin si Dina tumaas ang kilay niya akala ko tututol siya kaya laking gulat ko ng ngumiti siya at sumang-ayon sa sinabi ko.

Trek Stallixحيث تعيش القصص. اكتشف الآن