Chapter 42 *Birthday*

42 4 0
                                    

Kalalabas ko lang sa flower shop na pinagtatrabahuhan ko nang matanaw ko ang kotse ni Dion.
Narito na pala siya.
Agad na akong pumasok sa loob ng sasakyan.
Sinalubong ako ni Dion ng tanong.

"Itinuloy mo pala talaga ang pagtatrabaho sa flower shop?"

"Extra income din kasi ito," sagot ko habang nagsusuot ng seat belt.

"Sinong nagbabantay kay Reon?" tanong ni Dion bago niya pinaandar ang sasakyan.

"Pinaalagaan ko muna siya."

"Hindi puwedeng magpatuloy 'to. Dapat ikaw mismo ang nag-aalaga sa anak mo. Ah." Napailing si Dion. "Sa akin pa talaga ito nanggagaling. Ako rin nga pala, pinaaalagaan ko lang ang anak ko."

Napangiti ako sa sinabi niya.
Alam ko na busy si Dion dahil marami siyang trabaho, pero kahit ganoon walang araw na hindi kami nagkikita.
Tulad ngayon.

Inalam niya ang oras ng uwi ko sa pinagtatrabahuhan kong flower shop para masundo niya ako.

Diretso na kami sa bahay.

"Salamat sa pag-aalaga sa anak ko," sabi ko sa baby sitter ni Reon.
Binuhat ko si Reon.
Ang cute cute talaga ng baby ko.

Pagkaalis ng baby sitter saka pumasok si Dion.
Ibinaba ko na muna sa kuna niya si Reon para makapagluto.

"Ang sarap mo talagang magluto," puri ni Dion.
Nasa lamesa na siya habang nakatayo naman ako sa tabi niya bitbit si baby Reon.
Maya maya pa ay nakatulog na si baby kaya inihiga ko na muna.

"Salamat sa masarap na pagkain," sabi ni Dion.

"Basta para sayo," sagot ko.

Tinitigan ako ni Dion.

Dati rati naiilang ako sa tuwing titingnan niya ako, pero iba na ngayon. Magaan na ang pakiramdam ko sa kanya.

Tumayo si Dion at inilapit ang mukha niya sa akin.

"I love you," sabi niya.

"I love you too," sagot ko.

Ang totoo, binuksan ko na uli ang puso ko.
Naisip ko kasi na ito na ang tamang pagkakataon para mag-let go.
Para pakawalan si Daren at kalimutan siya.

Dahan dahang inilapit sa akin ni Dion ang kanyang mga labi.

Tinanggap ko iyon.
Hinayaan ko siya na halikan ako.

Alam ko.
Noong oras na sinagot ko siya.
Oras na rin iyon ng tuluyang pamamaalam kay Daren.

Si Dion na ngayon ang lalaki para sa akin.
Si Dion na.

Biglang tumunog ang phone ni Dion.

Manang is calling.

Iyong nag-aalaga kay Ayesha ang tumawag kay Dion.

"Abala naman ito. Sandali lang, Kim." Sinagot ni Dion ang tawag. "Hello."

"Sir! Uuwi po ba kayo ngayon? May emergency po kasi ako sa bahay kailangan ko na pong umalis!"

"Ah, sige Manang. Babalik na ako agad diyan. Hintayin mo ko."

Agad na nagmadali si Dion.

"Bukas na lang ulit, Kim. I love you." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umalis.

Halatang busy talaga siya.
Pero ang galing niya dahil nagagawa niyang ibalanse ang oras niya.

May time siya sa trabaho, kay Ayesha at sa akin.

Kinabukasan.

Maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng message mula kay Mira, Paola at kuya Shawn.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon