Chapter 33 *The Child of Kim*

55 3 1
                                    

Nalilito ako.
Sino itong babae na nasa harapan ko ngayon?
Bakit parang natatakot si Ayesha sa kanya?

"Ayesha, halika na."

"Ayoko!" Kumapit na sa beywang ko si Ayesha.

"Wag na matigas ang ulo. Sumama ka na sa akin!"

"Sandali!" Pumagitan na ako. "Sino ka ba? Natatakot na iyong bata."

"Ikaw ang sino ka ba!" Tinitigan niya ko. "Teka, artista ka, ah. Bakit ka nakikialam?"

"Maam Grace. Pabalik na rin po si Maam Kim. Hintayin na lang po siguro natin siya."

"No! Hindi na ako makakapaghintay pa. Matagal ko na siyang napagbigayan."
Hinawakan na ng babae si Ayesha.

"Ayoko po!" Umiyak si Ayesha.

Tinawagan na ng katulong si Kim.

"Maam,  nasaan po kayo? Kinukuha na po niya si Ayesha."

Hinila na palabas ng babae si Ayesha.

Ano ba talagang nangyayari?

"Black Spade!" Narinig kong tawag ni Ayesha kaya lumabas ako.

Naisakay na si Ayesha sa sasakyan.

Kasunod noon ang biglang pagdating ng isang kotse. Sakay nito si Kim.

Dali daling bumaba si Kim.

"Sandali lang, Grace!  Mag-usap tayo!" sabi ni Kim. Pinalo niya ang salamin ng kotse, pero nagtuloy tuloy ito sa pag-andar. "Sandali lang Grace! Ibalik mo sa akin si Ayesha! Grace! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ayesha!" sigaw ni Kim. Hinabol niya ang sasakyan, pero natural hindi niya iyon aabutin. Bumagsak ang mga tuhod niya.

"Kim." Sinundan ko siya, pero bago ko pa aiya malapitan ay nakatanggap na ako ng tawag galing kay Percy.

"Daren nasan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay."

"O-oo, papunta na ako," sagot ko habang nakatingin kay Kim.

Magsisimula na ang shooting namin. Kailangan na ko ron, pero si Kim...

Nakikita ko siya ngayon.
Nasa gitna ng daan.
Umiiyak.

Kim...

"Maam Kim." Iyong katulong. Nilapitan nito si Kim at inalalayan na tumayo.

Hindi ko talaga naiintindihan ang nangyayari.
Pero siguro wala naman akong kinalaman dito kaya aalis na lang siguro ako.

Tama.

Nagdesisyon ako na umalis na.

Pagdating ko sa set, nagsimula na agad ang shooting namin.

Makakasama namin dito si Aizzy. Iyong cute na artista na naka-date ko minsan.
Actually isa siya sa mga pinagpipilian ko na maging girlfriend.

Pero...

Kahit panay ang pa-cute niya (actually cute talaga siya) hindi ko pa rin siya maapreciate.

Naiisip ko pa rin talaga si Kim.

Naiisip ko kung paano niya hinabol iyong sasakyan.
Kung paano siya umiiyak.

At sa gitna ng paghikbi niya, umalis ako.
Iniwan ko siya.
Iniwan ko si Kim.

Pagkatapos ng shooting.

"Black Spade, aalis na ba tayo?"

"Ha?" Napakunot ako ng noo.

"Di ba nagpromise ka. Pagkatapos ng shooting mag-d-dinner tayo."

How to Love a Super Starजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें