Chapter 20 *Message from Kim*

72 2 0
                                    


<Daren POV>

Pumunta agad kami ni Kim sa hospital kung saan naroon si Z

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pumunta agad kami ni Kim sa hospital kung saan naroon si Z.
Nakita namin si Z na iyak nang iyak.

"Daren!" Agad lumapit sa akin si Z. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya."

"Huminahon ka lang, Z. Ano bang nangyari?"

"Pauwi na ako sa atin. Hindi ko naman nakita iyong ale. Bigla na lang siyang tumawid kaya nabangga ko siya. Daren, patay na ata siya. Nakapatay ako. Daren!" Sobra ang iyak ni Z.

Mayamaya pa ay dumating na ang manager namin.

Siya ang nakipag usap sa pamilya ng biktima.

May mga pulis na rin na dumating.

Takot na takot si Z.
Sorry rin siya nang sorry.

"Ano nang mangyayari sa atin. Katatapos lang ng scandal ni Yuan tapos, heto naman ako. Dahil sa katangahan ko nakapatay ako. Paano na ngayon ang grupo natin? Siguradong malaking kasiraan ito. Kasalanan ko kapag nabuwag tayo!"

"Ano bang sinasabi mo! Hindi mabubuwag ang grupo natin!" sabi ko kay Z. "Kaya natin to. Kakayanin natin ito!"

Pinasamahan ko muna si Z kay Kim habang kami ng manager namin ay nakipag areglo sa pamilya ng biktima.
Nakakalungkot ang nagyari sa kanila, pero aksidente iyon. Walang may gusto sa nangyari.
Naintindihan naman nila.

Pero kahit na naareglo iyon, halata na dinidibdib pa rin iyon ni Z.

"Kawawa naman si Z," sabi ni Kim.
Pabalik na kami ngayon sa bahay nila.

"Mabuti na lang talaga at pumayag iyong pamilya ng biktima na magpaareglo," sabi ko habang nagmamaneho ng sasakyan. "Oo nga pala. Kim? " Sumulyap ako sandali kay Kim. "Hindi ba may sasabihin ka sa akin? Ano na nga yon?"

"Ah... ang totoo wala naman talaga akong sasabihin. Namiss lang talaga kita kaya gusto kitang makita."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap nung pakinggan.

Ilang saglit pa ay nakabalik na kami sa apartment niya.
Pero umalis na rin ako kaagad.
Bilang Leader, marami akong kailangang ayusin sa grupo.

Pagdating sa condo namin ay nag-usap usap kami kasama ang manager namin at si Boss Vito.

Isang hectic at detalyadong schedule ang ibinigay sa amin.

Habang tinitingnan ko ang schedule ko, alam ko na agad na malabo na naman kami magkita ng madalas ni Kim.

Mabuti pa si Jao magkakasama sila sa shooting.
Kung mag artista na rin kaya ako para may chance din kami magkatrabaho ni Kim?

Pero paano naman ako mag aartista. Sa mga trabaho ko paano ko pa iyon maisisingit?

Kinabukasan, simula na ng trabaho.

Umaga pa lang ay humarap na sa isang Pres con sina Yuan at Z. Sinamahan ko sila bilang suporta.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now