Chapter 44 *Broken*

38 3 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang DNA result ni Ayesha.
Ibinigay ito sa akin ni Grace.

Ang sabi ni Grace ay kapatid siya ng ex ni Myla. Si Myla ang biological mother ni Ayesha.

Muli kong tiningnannang DNA test. Hindi ko ito mapaniwalaan. Malinaw kasi na nakalagay rito na hindi magkatugma si Ayesha at Dion.

Ang sabi ni Grace, noon pa malakas ang kutob niya na hindi si Dion kundi ang namatay niyang kapatid ang ama ni Ayesha kaya nga nagpagawa siya ng DNA test. Actuay dalawa ang pinagawa niya. Sa side niya at kay Dion.
Positive ang resulta sa side niya samantalang negative naman ang kay Dion.
Ibig sabihin ay tama ang hinala niya na ang kapatid niya nga at hindi si Dion ang ama ng bata.

"Malinaw na dahilan iyon para kunin ko siya dahil ako ang tunay niyang kamag-anak," sabi pa ni Grace.

Napailing ako. "Hindi! Hindi mo siya puwedeng basta kunin!"

"Pero kami ang totoong pamilya niya. Kami ang may karapatan sa kanya," giit ni Grace.

"Mag-uusap muna kami ni Dion. Bumalik ka na lang sa susunod," sabi ko.

Ayaw pa sana niyang umalis, pero nanindigan ako kaya wala na siyang nagawa.

"Babalik ako at kukunin ang pamangkin ko."

Isa iyong babala na nagpakabog sa dibdib ko, pero hindi ko pinahalata.

Natutulog pa sina Baby Reon at Ayesha.
Tiningnan ko si Ayesha.
Katulad siya ng isang anghel.
Anong mangyayari sa pamilya namin kapag nawala siya?

Ayesha.
Niyakap ko siya.
Hindi ko siya tunay na anak, pero napamahal na siya sa akin kaya parang ang hirap tanggapin na mawawala siya.

Kailangan itong malaman ni Dion.

Plano kong sabihin kay Dion ang tungkol kay Grace at sa DNA test pag-uwi niya, pero hindi ko nasabi. Pagdating niya kasi ay may dala siyang bulaklak at cake.

Napawi noon ang pangamba na nararamdaman ko.
Bigla kong nakalimutan ang problema.

Tiningnan namin ang isat isa.
"Dion. Payag na ko. "

Yes, ipauubaya ko na ang sarili ko kay Dion.

***

"Dion, bakit?"

"Ano to?" Nakita ni Dion ang envelop ng DNA test na ipinatong ko sa side table.

"Oo nga pala Dion. Nakalimutan ko nang sabihin. DNA test 'yan ni Ayesha," sabi ko.

"DNA test ni Ayesha?" Tiningnan ito ni Dion. Bigla siyang natigilan.

"Dion, okey ka lang ba?" tanong ko dahil bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi na naman siguro iyon nakapagtataka.
"Isang babae na nagngangalang Grace ang nagdala niyan dito. Kapatid daw siya ng ex ng mama ni Ayesha. Ang sabi niya ang kapatid niya raw ang tunay na tatay ni Ayesha at hindi ikaw," paliwanag ko.

"Oo, alam ko na ang tungkol sa Grace na iyon," biglang sabi ni Dion.

Napaawang ako ng labi.
Alam na pala niya?

"Nabanggit sa akin ng manager ko ang tungkol sa kanya. Sa katunayan manager ko ang nagbigay ng sample para maging posible ang DNA test na ito."

"Ganoon ba."

Napangiti si Dion. Isang pilit na ngiti.

"Dion?"

"Hindi ko pala talaga anak si Ayesha," aniya.

"Oo, pero napamahal na siya sayo, di ba?" tanong ko.

"Hindi ako ang tatay niya," pagpapatuloy ni Dion.

"Dion, huwag mo namang basta sabihin iyan."

Tumingin sa akin si Dion. "May contact number ka ba ni Grace? Tawagan natin siya. Ibalik na natin si Ayesha."

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi ko siya anak kaya walang dahilan para mag-stay pa siya rito."

"Dion naman. Parang ang bilis naman ata sayo na basta na lang siya--"

"Hindi mo kasi naiintindihan!" Napataas ang tono ni Dion. "Alam mo ba ang pakiramdam ng lokohin? Iyong paniwalain ka na sayo ang isang bagay na hindi naman pala talaga sayo? Alam mo rin ba kung ano ang naging hirap ko nang magpasya ako na alagaan si Ayesha? Ang dami kong isinakripisyo. Pati pamilya ko itinakwil ako dahil sa kanya."

"Dion."

Tumalikod si Dion. Kinuha rin niya ang coat niya.

"Teka, aalis ka? Saan ka pupunta?" habol ko.

"Kahit saan. Babalik lang ako kapag wala na ang batang iyon."

"Dion, ano bang sinasabi mo?" Agad kong hinarang si Dion."

"Tabi."

Wala rin akong nagawa. Nilampasan niya lang ako.

"Dion, sandali!" Sinubukan ko pa siyang pigilan, pero nakalabas na siya.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Hindi niya sinasagot.

Bigla nang nagising sina baby Reon at Ayesha. Pinakain ko na muna sila.
Sa mga bakante kong oras ay sinusubukan ko uli tawagan si Dion, pero hindi niya talaga sinasagot.
Hanggang sa maggabi na. Wala pa rin.

Pinatulog ko na ang mga bata.
Medyo inaantok na rin ako, pero hindi ako natulog. Baka kasi umuwi si Dion, pero hindi.

Umaga na, hindi pa rin siya dumarating.

Biglang may nag-doorbell

Si Dion.

Agad kong binuksan ang pinto.
Akala ko si Dion  pero hindi pala.
Si Grace pala.

"Narito ako para kunin ang pamangkin ko. Nag-usap na kami ni Dion."

Nag-usap na sila? Kung gayon seryoso talaga si Dion na ibigay na si Ayesha?

"Sige, tuloy ka," sabi ko. Pinapasok ko si Grace.

Saktong gising na pala sina Ayesha.

"Ayesha, may bisita ka," sabi ko.

"Ayesha, pamangkin ko," nakangiting sabi ni Grace bago niya binuhat si Ayesha.

Tumalikod ako sandali at sinubukan tawagan si Dion. Hindi pa rin siya sumasagot.

Nagtext ako.

Dion, sumagot ka naman.

Dion, ano bang plano mo?

Iiwan mo na ba ko?

Hindi ko alam kung bakit itinext ko iyon, pero pakiramdam ko kasi ay ganoon nga ang magyayari.
Mas naramdaman ko pa iyon nang makita ko si Grace na inilalabas na si Ayesha.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now