Chapter 43 *A Happy Family*

71 6 1
                                    

Magpapasko nang magpakasal kami ni Dion.
Sa judge kami nagpakasal.
Wala masyadong bisita. Ayaw kasi ni Dion na may makaalam ng tungkol dito para na rin daw may privacy kami.
Pero siyempre, pinaalam ko iyon kina Mira, Paola at kay kuya Shawn.
Medyo nainis nga sila sa akin dahil sobrang biglaan daw ng kasal ko. Eksakto pang may tour sila sa ibang bansa kaya hindi sila makakapunta kahit na gustohin pa nila.

Si kuya Shawn, gusto pang ipa-postponed, pero sinabi ko na hindi na piwede kaya pumayag na rin siya.
Nag-videocall na lang kami.
Sina Mira at Paola redn ay tumawag via video call.

Pagkatapos ng kasal, nakadama ako ng hindi maipaliwanag na tuwa sa aking puso.
May matatawag na akong buong pamilya.
Ako at si Dion kasama sina Ayesha at Reon sa iisang bahay.

Hindi na ko pinagtrabaho ni Dion.
Sa bahay na lang daw ako para matutukan ko ang mga anak namin.
Napangiti ako nang tinawag niya na anak si Reon.

Isang umaga, walang pasok si Dion.
Naghanda ako ng salad para miryenda namin.
Nasa sala kami nang may magflash na balita sa TV.
Tungkol iyon kay Black Spade.
Biglang kumabog ang dibdib ko.

"Idol mo ba siya?"
"Ha?" Napatingin ako kay Dion. Hindi ko man lang namalayan na nakatitig na pala ako sa TV.
"H-Hindi. Hindi ko siya idol," sabi ko.

"Ok," sagot ni Dion bago siya kumain. Nakipaglaro rin siya sa mga bata.

Kinabukasan, maagang umalis si Dion para sa trabaho niya.
Tinext ko siya at tinawagan, pero hindi siya nag-response.
Buong araw siya hindi nagparamdam.

Ganoon ba siya ka-busy?
Hindi man lang ba niya kami kukumustahin?

Hindi nga talaga.

Kinabukasan ay ganoon uli. Walang paramdam si Dion.
Dalawang araw din iyon.

Wala siya kahit anong text o tawag.

Hapon na ng ikatlong araw siya nakabalik ng bahay.

"Uuwi ka pa pala," salubong ko nang dumating siya.

"Maraming trabaho," sagot niya bago siya tuloy tuloy na pumasok. "May pagkain ba?" Nagpunta agad siya sa kusina at tumingin sa ref.

Sinundan ko siya sa kusina.
"Iyon lang ang sasabihin mo?"

"Tulog na ba ang mga bata?" Isa pa niyang tanong. Halatang hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Dion..."

Kumuha ng pagkain si Dion at naupo na sa lamesa. Nagsimula na siya sa pagkain.

Tama ang hula ko.
Hindi niya nga ako pinapansin.
Inaasahan ko pa man din na magso-sorry siya dahil dalawang araw siyang hindi nagparamdam.
Mali pala ko.

"Dion, mahal mo ba talaga ako kaya mo ko pinakasalan o ginawa mo lang iyon para may mag-alaga sa anak mo?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Bigla na iyong lumabas sa bibig ko.

Sandaling nahinto sa pagkain si Dion.
"Ikaw ba? Bakit mo ko pinakasalan? Mahal mo rin ba ko o si Black Spade pa rin ang laman ng puso mo?"

"Ah..." Natigilan ako.
Alam niya pala na si Daren ang ex ko?

"Nagulat ka ba na alam ko?"

"Hindi ko na sinabi ang tungkol sa kanya dahil hindi na siya importante. Ikaw na ang pinili ko. Ikaw na ang mahalaga."

"Sinungaling!" Biglang sumigaw si Dion at ibinato ang kinakain niya.

Napatakip ako ng bibig.

"Sinabi sa akin ni Abby ang lahat. Ang hirap paniwalaan na nakalimutan mo na siya. Ni hindi nga niya alam na may anak na pala kayo."

How to Love a Super StarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang