Chapter 38 *His Face, His Voice*

59 2 0
                                    

Tuloy pa rin ang pagluluto ni mama at ang pamamahala niya sa Crest Restaurant, pero kahit ganoon, malaki na ang kaibahan dahil hindi na siya ang may ari, pero hindi bale.
Gagawin ko ang lahat para mabawi ito.

Nagpunta ako sa Manila para sa meeting ng mga nakapasa sa audition.
Hinabilin ko na lang muna sa kapitbahay si Reon.

Nasa labas pa lang ako ng conference room nang harangin ako ng isa sa mga staff.

"Hindi ka ba nasabihan?" tanong agad nito.

Napakunot ako ng noo. "Nasabihan tungkol saan?"

"Nagbago ang isip ng producer. Naisip nila na mas maganda kung ang kukunin sa lead role ay iyong sikat na."

"H?"

"Sorry ha, pero puwede ka pa naman maging part ng drama, extra nga lang."

"Ano?" Nagbibiro ba siya?

Parang noong nakaraan lang sinabi nila na sa akin nila ibibigay ang lead role. Ngayon, extra na lang ako?

Pumasok pa rin ako sa conference room na paggaganapan ng meeting. Nandoon na pala ang ibang mga cast. Kabilang na ang gaganap sa bagong lead role.

"Siya ang magiging bida natin. Si Miss Julia," sabi ng staff "I think kilala mo siya dahil isa siyang sikat na model."

Napatango ako bago nagpasya na lumabas na ng conference room.
Nagdiretso ako sa CR.

Sa ngayon, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang akala ko kasi makakabalik na ako sa showbiz. 
Ang akala ko, puwede na akong kumita.

Hindi pa pala.

Pumasok ako sa loob ng cubicle.
Kasabay noon ang biglang pag-init ng mga mata ko.

Bakit ganon?
All of a sudden, dahil hindi ako sikat papalitan na agad ako?
Bakit pa sila nag pa-audition?
Ang unfair naman nila.
Ang unfair.

"Yes, hello?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Julia.

I think kapapasok niya lang ng comfort room at ngayon nga ay may kausap siya sa cellphone.

"Oo! Siyempre naman pupunta ako," sabi ni Julia. "Siyempre hindi ko iyon palalampasin. Makakasama ko kaya 'ron ang celebrity crush ko."

Ang magandang si Julia. Siya ang kumuha ng role ko.

Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Hanggang sa hindi ko na napigil ang pag-iyak.
Binuksan ko na lang ang gripo para walang makarinig.

***

Hindi na rin ako bumalik sa conference room.
Pakiramdam ko rin kasi ay hindi ko kakayanin tanggapin iyong alok na maging extra. Nagpasya ako na umuwi na lang.

Palabas na nga ako ng studio nang may tumawag sa akin.

"Kim?"

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa tumawag.

"Ah, Jao?"

"Kim, ikaw nga. Anong ginagawa mo rito?" Agad akong nilapitan ni Jao.

"N-Nag-audition ako, pero hindi ako natanggap."

"Ganoon ba. Sorry to hear that."

"Ok lang. Sige, uuwi na ko."

"Teka may pupuntahan ka pa ba? Gusto mo kumain muna tayo?"

"Naku hindi. 'Wag na, Jao." Tumalikod na ako.

"Kim, iniiwasan mo rin ba ko?" 

Bigla akong napahinto.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Daren, pero labas naman siguro ako 'ron."

Tumingin ako kay Jao.

Kung alam niya lang.
Kung alam niya lang ang tunay na dahilan ng paglayo ko.

"Kim?"

"Sige, kumain na muna tayo. Gutom na rin naman kasi ako."

Napangiti si Jao.

Pumunta  kaming dalawa sa cafeteria.

"Masarap ang pagkain nila rito, ano sa palagay mo?" tanong ni Jao.

Tumango lang ako.

"Pero siyempre mas masasarap pa rin ang mga luto mo."

"Salamat..."

Bigla kong naaalala iyong panahon na dinadalhan ko pa sila ng pagkain.

Naalala ko na naman tuloy si Daren.

Ang Daren ko.

"Jao, kumusta na pala si Daren?" Bigla akong napatanong.

Tumingin sa akin si Jao.

"Gusto mong malaman? Sumama ka sa akin."

"Ha?"

Tumayo na si Jao at hinila ako.

"Sandali, Jao!"

Sumakay kami sa kotse niya.

"Jao, saan tayo pupunta?"

"May shooting si Daren ngayon para sa isang commercial. Malapit lang iyon dito," sabi ni Jao habang nagmamaneho.

Alam ko na mali na sumama ako kay Jao, pero ano pa bang magagawa ko, narito na ko.

Halos tatlumpung minuto rin ang lumioas bago huminto ang sasakyan.

"Iyon siya," sabi ni Jao.

Natigilan ako nang makita ko si Daren. Mula rito sa kotse ay tanaw na tanaw ki siya. Nasa labas lang kasi ang set up nila.

"Daren."

Ang puso ko...
Biglang bumilis ang tibok.
Bigla tuloy parang gusto kong umiyak.
Umiyak sa saya dahip masaya ko na makita si Daren. Si Daren na mahal ko.
Ang lalaking mahal ko.

"Gusto mo ba siyang lapitan?"

"Ah!" Bigla akong umiling.
Siyempre hindi ko pwedeng lapitan si Daren.
Hindi pa.

"Jao. Uuwi na ko."

"Pero Kim."

"Please." Naging buo ang boses ko.

"Sige, pero ihahatid na kita."

Pumayag ako na ihatid ako ni Jao sa bus station.

"Salamat," sabi ko kay Jao. Bumaba na ko ng kotse niya..

"Kim. Hindi pa rin nagpapalit ng number si Daren," habol ni Jao.

Ngumiti lang ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan niya.

Sumakay na ako ng bus.
Pag-upo ko, napatakip ako ng bibig. Hindi ko kaai napigilan na huwag umiyak.
Naisip ko kasi si Daren. Siguro kung nagtagal pa ako roon at baka nilapitan ko na siya. Gusto ko kasi siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo, pero hindi pa puwede. Hindi pa.

Pagdating sa bahay niyakap ko agad si baby Reon.

"Baby Reon, hindi natanggap si mama pero okey lang. Gagawin ko pa rin ng lahat para makatulong sa lola mo at para mabigyan ka ng magandang buhay," sabi ko sa anak ko.
Mabigat talaga ang loob ko dahil sa nangyari ngayong araw, pero gumagaan ito habang nakikita ko ang aking anak.

Gabi.

Napatulog ko na si baby Reon.
Matutulog na rin dapat ako nang makita ko ang phone ko. Naalala ko ang sinabi ni Jao.

Same pa rin ang number ni Daren.

Bigla kong kinuha ang phone ko at idinial ang number ni Daren

"Hello?" si Daren.
Sinagot niya ang tawag ko.

Daren, ako ito si Kim. Miss na miss na kita.
Iyon ang gusto kong sabihin. Gusto ko rin ipaalam sa kanya ang totoo, pero wala pa akong lakas ng loob para gawin iyon.

Tinapos ko na ang tawag.

And then suddenly, I'm crying again.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now