Chapter 9 *Second Time*

97 5 0
                                    

"We love you Black Spade!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"We love you Black Spade!"

"I Love you Black Spade!"

"CK!"

"Joker!"

"Z!"

"RK!"

"We love Lucky Cards!"

Isang taon na rin mula nang sumikat ang grupo namin. Habang tumatagal lalo pa kaming nakikilala.
Kabilaang mga projects. Sangkaterbang mga fans.
Para silang ulan na tuloy tuloy ang pagbuhos.

"Ang daya naman. Bakit si Black Spade ang may pinakamaraming fans?" reklamo ni Yuan habang nasa van kami. Papunta kami ngayon sa shooting ng aming next music video.

Nasa tabi ng driver ang manager namin.
Ako sa first row kasama si Percy.
Sa likod sina Yuan, Z at Jao.

"Ano bang nirereklamo mo? Natural lang naman na maraming fans si Black Spade dahil siya ang leader natin. Siya rin ang gumagawa ng mga kanta natin," sabi ni Z.

Tiningnan sila ni Percy. "Ayon sa survey, si Jao ang may pinakamaraming magagandang fans."

"Ha?" Si Jao naman ang pinagbalingan ni Yuan. "Ikaw pala, Jao?"

"Guwapo kasi ako."

"Parepareho lang tayong gwapo, no!" sabi ni Yuan.

Napangisi lang si Jao.

"Anong nginingisi ngisi mo?!"

"Pero ayon din sa survey..." Biglang sumingit ang manager namin sa usapan. "Si Black Spade pa rin ang may pinakamaraming follower na celebrity.  Ibig sabihin gustohin siya ng mga sikat."

"Si Black Spade na naman!" sarkastiko na ang pagsasalita ni Yuan.
Hindi ko na lang pinansin.

"Naalala ko. Parang lahat sa Queen J si Black Spade ang gusto," sabi pa ni Z.

Bigla ko tuloy naalala ang pagpapacute ng Queen J.

"Hi Black Spade."

Actually hndi lang naman sila.
Marami pang celebrity ang nagtetext at tumatawag sa akin.
At lahat sila tinatawag ako sa pangalang Black Spade. 

Mukhang nakalimutan na ng lahat ang tunay kong pangalan.

"Daren! Sino pala ang mga makakasama natin ngayon sa shooting?" tanong ni Jao.

Napangiti ako.
Tinawag niya kasi ako sa pangalan ko. Ang totoo, marami pa namang tumatawag sa akin na Daren, pero parang may kulang.

"Ito ang mga pictures nila." Iniabot ng manager namin ang picture ng mga model na makakasama namin sa music video.

"Patingin ako!" Si Yuan agad ang kumuha.

"Ayos! Ang gaganda nila!" Hangang hanga si Yuan.
Isa isa na nilang tiningnan ang picture ng mga model.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now