Chapter 30 *Confusion*

52 4 3
                                    

[Daren POV]

Noong bata ako, wala pa akong interes sa pagkanta

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Noong bata ako, wala pa akong interes sa pagkanta. Mas gusto ko ang maglaro, lumangoy sa ilog, umakyat sa mga puno.
Noon, may nakita akong puno na may magandang tindig. Umakyat ako rito. Kumapit sa sanga sa pag-aakala na matibay ito. Huli na nang malaman ko na mali ako. Marupok ang sanga nito kaya naman nabali agad.
Nalaglag ako sa puno at nang magising ako, nasa ospital na ako.

Matagal na ang pangyayaring iyon.
Humilom na ang mga natamo kong sugat, pero naaalala ko pa rin iyon.
May aral kasi akong natutunan doon---na may mga bagay na maganda sa paningin ngunit mapanganib.
Sa totoo lang, inis na inis ako noon sa puno dahil nalinlang nga ako nito. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit. Pero mali ako.
Mali ako.

Kim.
Bakit mo pa ako pinahawak kung iiwan mo rin ako?

"Daren? Anong ginagawa mo rito?" Nagising na si Kim. At halatang nagtataka siya.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.
Inihagis ko sa kanya ang envelop.

"Ah! A-Ano to?"

"DNA test yan. Pinagawa ni mama. Syempre Negative ang result."

Namilog ang mga mata ni Kim. Halatang nagulat siya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Bakit nagsinungaling ka kay mama? Bakit mo sinabi na anak ko ang anak mo sa ibang lalaki!"

"Daren."

Nanginig na ko.
Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o dahil sa sobrang sakit. Naguguluhan ako, pero  isa ang sigurado. Gusto kong umiyak.
Gusto kong magwala.

"Alam ko na na kapatid mo si Edward," sabi ko.

"A-Alam mo na?"

"Oo! Kaya akala ko ako ang ama ni Ayesha. Hindi pala."

"I'm sorry Daren."

"Sorry? Sorry na naman! Iyan na lang ba ang alam mong sabihin? Kim, ano ba talagang tinatago mo? Ano pa ba ang mga kasinungalan mo?" Napataas na ang boses.

"Mama..." Biglang lumabas si Ayesha.

"Ayesha. Dyan ka muna sa kuwarto," sabi ni Kim.

"Pero mama..." Tumingin sa akin si Ayesha. "Inaawy ka ba ni Black Spade?"

"Wag na matigas ang ulo. Bumalik ka na sa kuwarto."

"Okey..." Sumunod si Ayesha. Muli itong bumalik sa kuwarto niya.

"Sige na. Magpaliwanag ka," sabi ko kay Kim.

"Wala na akong dapat ipaliwanag," sagot ni Kim.

Napakunot ako ng noo. "Wala ka bang pakialam  sa feelings ko?"

"Break na tayo, di ba?"

"Ah." Bigla akong natigilan. Nanlamig. So, ganon na lang pala iyon?
Dahil break na kami wala nang explanation.
Napailing ako.
Mukhang sinadya ni Kim na makipaghiwalay dahil alam niya na malalaman ko ang sikreto niya.
Oo, tama. Ganoon nga siguro iyon,

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now