Chapter 18 *Trust Issue*

63 4 1
                                    


<Daren POV>


Umuulan nang makauwi kami sa bahay.
Magpaapaalam na sana ako kay Kim nang mapansin ko na walang tao.

"Wala sina mama?" Tinawagan ko si mama. Walang sumasagot. "Nasaan kaya sila?"

"Daren, may note dito," sabi ni Kim.

May sticky note nga na nakadikit sa ref.

"Pinag day off ko ang mga katulong. May pupuntahan din kami ng papa mo. Try namin makauwi agad, pero kapag umulan baka kinabukasan na kami umuwi."

"Umalis pala sila," sabi ni Kim.

"Baka pumunta kina lola," hula ko. "Dito na muna siguro ako."

"Hindi ka na pupunta sa condo nyo?"

"Alangan naman iwanan kita."

"Sige, ipagluluto na lang kita."

Nagpunta ng kusina si Kim.

Sumunod naman ako. Naupo ako sa may lamesa habang pinagmamasdan siya na naghahanda.

"Kim, iyon nga palang kanta na isinusulat mo, kumusta na?" naisip kong itanong.

"Hindi ko pa tapos, pero malapit na."

"Gusto ko na iyong marinig."

"Oo, kaunting hintay na lang," sabi niya.
Nagpatuloy siya sa pagluluto. Sandali lang ay napaghanda na agad niya ako ng pagkain.

"Kain na tayo." Inihain na niya ito sa lamesa.

"Hmmm... mukhang masarap!" Nagsimula na kaming kumain.

"Kim, puwede bang dito ako matulog ngayong gabi?" tanong ko sa gitna nang pagkain namin.

Napangiti si Kim. "Ano bang tanong iyan. Siyempre naman puwede. Bahay n'yo kaya ito."

"Gusto kong matulog na katabi ka."

"Ah." Biglang natigilan si Kim. Namula rin siya bago napatungo.

"Puwede ba?" ulit ko.

"S-Sige," mahina niyang sagot.

Ngayong gabi.
Kaming dalawa.

***

"Sa wakas, naapprove na rin ang pagkakaroon natin ng ball. Excited na ko!" sabi ni Yuan.
Nasa dressing room kami ngayon.
Nagpapahinga pagkatapos ng magkasunod na TV questing.

Ang tinutukoy na ball ni Yuan ay party para sa mga artist ng VT Entertainment.
Sa ball na ito puwede kaming magsama ng kahit sino na magiging date namin.

"Ah, Jao may date ka na ba para sa ball?" tanong ni Yuan.

"Oo, meron na. Si Krystal. Makakasama ko siya sa upcoming drama ko."

"May upcoming drama ka? Lead role ba?" tanong naman ni Z.

"Oo. Ako ang male lead, pero si Krystal kontrabida ang magiging ganap niya. Wala pang leading lady. Magpapa-audition pa raw. "

"Wow...Tungkol ba saan iyong drama?  Baka magustuhan ni Yana mag-audition."

"Wala ka na ba talagang bukambibig kundi Yana?"

"Siyempre, love ko iyon eh!"

"Percy! Ikaw ba may date na?" Tumuon si Jao kay Percy.  "May kakilala kasi ako na puwede mong makadate."

"Salamat na lang Jao, pero meron na kong prospect. Sana lang pumayag siya."

"Mukhang kilala ko na ang tinutukoy mo. Ano, may number ka ba niya? Nahingi mo ba?"

How to Love a Super StarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora