Chapter 7 *Her Lies*

95 7 20
                                    

Napapangiti ako habang nakikita ang malaking poster ng Lucky Cards sa labas ng VT Entertainment.
Malakas talaga ang kutob ko na sisikat sila.
Oo, alam ko na sisikat talaga sila.

Papasok na ako sa VT nang may makita akong lalaki na nakatayo sa tapat ng gate.
Hindi ako sigurado pero parang nakatingin siya sa akin.
Bakit? Sino ba siya?
Tiningnan ko siya nang mabuti.
Napaawang ako ng labi nang mamukhaan ko siya.

Kuya?

"Kuya!" Tumakbo agad ako para lapitan siya, pero bigla siyang umalis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kuya!" Tumakbo agad ako para lapitan siya, pero bigla siyang umalis.

"Sandali! Kuya!"

Nawala na agad siya, pero sigurado ako na si kuya iyon.

Ang kuya ko.

"Hoy! Bakit nakatulala ka riyan?!"

Sinigawan ako ni Abby.
Hanggang sa studio kasi ay iniisip ko pa rin si kuya.

"Darating na ang instructor natin kaya umayos ka na!" utos pa ni Abby.

Tumango na lang ako kahit na medyo masama ang aking loob.

"Kim? Kim Santos? Nandyan ba si Kim?" Biglang dumating ang assistant ni Boss Vito.

Agad akong tumuon sa kanya. "Bakit po?"

"Gusto kang makausap ni boss."

"Ako po?"

Agad akong nagpunta sa opisina ni Boss Vito.
Medyo kinabahan ako dahil ang seryoso ng mukha niya.
Umupo ako sa tapat ng kanyang lamesa.

"Boss?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kim. Tungkol ito sa narinig ko. Tungkol sa inyo ni Daren. May relasyon ba kayo?"

"Ah."

Natahimik ako.
Ang bilis naman nalaman ni Boss.

Tumango na lamang ako.

"Kung gayon totoo nga. Alam mo naman na hindi iyan puwede. Lalo pa ngayon na kad-debut pa lang nina Daren."

"Isisikreto naman po namin ang aming relasyon. Hindi naman po ako magiging sagabal sa kanya!" giit ko, pero matigas si Boss Vito.

"Hindi!"

"Ano po?"

"Gusto kong layuan mo si Daren. Makipag break ka na sa kanya."

"Ah."

Dahil sa sinabing iyon ni Boss, bigla kong naalala ang kwento sa akin noon ni mama.

"Maraming beses din akong sinabihan ng mga kaibigan ng papa mo na layuan siya. Baka raw kasi masira ang career niya."

"Pero hindi n'yo po ginawa?"

"Oo naman, dahil mahal ko siya."

"Ayoko po," bigla kong sabi.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now