Chapter 25 *First Love*

57 7 1
                                    

Umuwi na ako.
Tulad ng inasahan, hindi na naman ako makakatulog.
Nakahiga na ako, pero gising pa rin dahil naiisip ko pa rin iyong nangyari.
Umamin ako kay Kim.
Pero wala na talaga.
Bakit ko pa nga ba ginawa ang katangahang iyon?
Oo.
Katangahan lang iyon.
Malaking katangahan.

Daren niloko ka niya kaya bakit gusto mo pa rin siya?
Wag kang baliw.
Wag kang tanga.

Biglang may nagdoorbell.

Sa ganitong oras?
Sino naman iyon?

Namilog ang mga mata ko nang makita ko siya sa video intercom.

Kim?

Agad kong binuksan ang pinto.

Si Kim nga talaga.

"Daren."

"B-Bakit ka nandito?"

Hindi siya sumagot.

"Tinanggihan mo na ko, di ba? Ayaw mo na sa akin kaya bakit nagpunta ka pa rito?"

Ano bang sinasabi ko?
Sino bang niloloko ko? Alam ko sa sarili ko na malapit na akong sumabog sa tuwa dahil nandito si Kim.
Pero ayokong umasa.
Ayokong masaktan.

"Pumunta ka ba rito para makipagbalikan sa akin?"

Dahil kung hindi iyon ang dahilan bakit ka pa nandito?

"Kung iyon nga ang dahilan ko---ang makipagbalikan sayo, tatanggapin mo pa ba ako?"

Ah...

Parang biglang tumigil ang oras pagkatapos ko iyong marinig.

"T-Talaga bang pumunta ka rito para makipagbalikan sa akin?"

"Puwede pa ba?"

"Gusto kong marinig."

"Uhm." Napatungo si Kim. Huminga muna siya ng malalim bago muling tumingin sa akin. "Daren, bumalik ka na sa akin."

Bigla ko siyang hinila papasok.
Kasunod noon, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
I kissed her.
And I admit.
I miss her lips. I miss this kiss.
Sobrang namiss ko si Kim.

***

Ah. Nagising na ko.
Don't tell me panaginip lang iyon?
Panaginip lang na nagpunta rito si Kim? Panaginip lang na nakipagbalikan siya sa akin?
Panaginip lang iyong halik namin?

Bumangon ako at pumunta sa kusina.
Kumuha muna ako ng tubig at uminom.
Pagkalabag ko sa baso, bigla kong naalala iyong nangyari kagabi.

Dito mismo sa kusina.

Kumain ako ng pagkain na luto ni Kim.

Napangiti ako.
Sigurado na kasi ako ngayon na hindi iyon panaginip.
Talaga ngang kagabi ay nagpunta rito si Kim.

Pagkatapos ng kiss namin.

"Daren..."

Tinitigan ko siya at muling hinalikan.
Pagkatapos ay pareho kaming napangiti.
Hinawakan ko ang kamay niya at umupo kami sa sofa.
Other than that, wala na kaming ibang ginawa.
Magkatabi lang kami habang nakasandal siya sa balikat ko.

Kung panaginip ito, ayoko nang magising.

"Hindi ito panaginip. Nandito talaga ako. Magkasama talaga tayo," patunay ni Kim.
Muli pa ay tinitigan ko siya.

"Kim, bigla akong nagutom. Puwede mo ba akong ipagluto?"

"Sige ba."

Tumayo agad si Kim at nagpunta sa kitchen.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now