Chapter 10 *Love and Lies* Part 2

94 2 0
                                    


Gulat na gulat ang mga kagrupo ko nang makita nila ko na may dalang pagkain.

"Para talaga sa amin yan?" Si Z agad ang kumuha sa mga pagkain na dala ko.

Nakikain din naman ang iba pa.

"Ang sarap naman nito," sabi ni Z.

"Oo nga, pero parang pamilyar ang lasa, " komento naman ni Percy.

"Saan mo ba 'to nabili, Daren?" Si Yuan.

"Si Kim ba ang nagluto nito?" Biglang tanong ni Jao.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ganito kasi ang lasa ng mga luto niya," dagdag ni Jao.

Muling tumikim si Yuan. "Oo nga."

"Ganito nga ang luto niya!" dagdag ni Percy.

"Hindi ko naman tanda ang lasa ng luto ni Kim," nakasimangot na sabi ni Z.

Napangiti ako. "Tama kayo. Si Kim nga ang nagluto niyan. Nakabalik na siya."

"Nandito na uli si Kim?" Nabapulalas sina Percy, Z at Yuan.

"Nagtitinda siya sa isang maliit na kainan," sagot ko.

"Nagtitinda? Si Kim." Napakunot ng noo si Yuan.

"Mahabang kwento. Saka ko na lang i-e-explain."

"Gusto kong makita si Kim. Puwede ba?" tanong ni Z.

"Bahala kayo," matipid kong sagot.

"Puwede ba natin siyang puntahan sa pinagtitindahan niya?" tanong ni Yuan.

"Kailan naman?" isa pang tanong ni Z.

"Bukas na lang ng gabi para wala na tayong gagawin," suhesyon ni Percy.

"Pass ako," biglang sabi ni Jao.

"Bakit naman Jao, ayaw mo bang makita si Kim?" tanong ni Yuan.

"May iba akong lakad."

"Sige na, magpapahinga na ko." Lumakad na ako para pumunta sa kuwarto ko.

"Ah, Daren! Paano pala kayo nagkita ni Kim?" pahabol ni Z.

"Nagkabalikan na ba kayo?" tanong naman ni Yuan na siyang nagpatigil sa akin.

Nagkabalikan?

"Hindi. Hindi pa," sagot ko.

"Hindi pa?"

Tama sila ng narinig. Iyon nga ang sinabi ko dahil gusto kong bumalik si Kim.
Gusto konh bumalik siya sa akin.
Sana sa akin na lang uli siya.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-text na ako kay Kim.
Tinanong ko siya kung puwede kaming lumabas.

"Itetext na lang kita kung puwede ako. Sige. Ibababa ko na."

May pag asa pa ba ko kay Kim?
Paano kung wala na.
Paano kung huli na pala?

Ah, hindi.
Hindi ako dapat mawalan ng pag asa.
Maaga pa para sumuko.

Sa halip na mag-isip ng negatibo, nagplano na lang ako para sa date namin ni Kim.
Kahit hindi pa siya nag-co-confirm, umaasa ako na papayag siya.

Pero wala akong ideya sa mga date. Madalang naman kasi talaga akong makipagdate kaya tumingin na lang ako sa internet.

Wala naman akong makita.

Dati dinala ko si Kim sa Sunflower Garden ng lola ko.
Tapos pumunta kami sa amusement park. Sa tingin ko gusto niya ron, pero hindi ko siya puwedeng dalhin doon dahil baka may makakita sa akin. Delikado.

Pero...

Biglang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong sinagot sa pag aakala na si Kim iyon, pero hindi.

"Belle?"

"Naabala ba kita?"

"Hindi. Hindi naman."

"Mabuti naman. Itatanong ko lang sana kung nabanggit na ng manager n'yo iyong tungkol sa invitation namin for our collaboration?"

"Ah, iyon ba? Oo nabanggit na niya."

"Okey lang ba sayo? Tinanggap mo ba?"

"Oo naman. Walang problema."

"Thank you, Daren. Akala ko talaga tatanggihan mo."

"Bakit ko naman gagawin iyon. I'm excited to work with you."

"Ako rin, sobrang excited. So puwede ba tayong magkita ngayon, to talk about it?"

"Ngayon?"

Ah. Siyempre hindi.

"Sorry, Belle pero may iba akong lakad ngayon. Itext na lang kita kung kailan ako puwede."

"Ganoon ba. O sige."

Dati, sobra ang pagkagusto ko kay Belle, pero nagbabago pala talaga ang feelings.

Nagbabago.
Nag-iiba.

Muling tumunog ang cellphone ko.

May text message galing kay Kim.

"Sige, payag ako na lumabas tayo, pero mamayang gabi na lang."

Lumapad ang ngiti ko nang mabasa ko iyon.

Pumayag din siya.
Mabuti naman.

This time, iingatan ko na siya.
Iingatan ko na si Kim.

 Iingatan ko na si Kim

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now