Chapter Five

907 52 0
                                    

Mia POV.

Natuwa si mama ng malaman nyang kaya ko na ulit gamitin ang mga paa ko. Marami din ang natuwa alam kasi ng lahat ang aksidenteng nangyari saakin pero eto ako naguguluhan sa sarili ko bakit dalawa ang kapangyarihan ko?

Andito ako ngayon sa kwarto ko at naghahanap ng maari kong mabasa nakung ano dito sa Bookshelf ko. Baka meron ditong list ng mga Abilities or di kaya naman history nitong mundong to para naman may alam ako.

Bukod sa alam ko na yung mga Tribe eh gusto kong malaman kung saan ba ito nagmula or something like that basta kung di nyo ako ma gets bala kayo.

Pero kanina pa ako nagtititingin ng mga libro dito wala eh hindi ko type basahin yung iba. Mayroon din akong nakita tungkol sa mga powers pero hindi pa yun sa ngayon ang kailangan ko. Kailangan kong magsimula sa history.

Naglakad ako papaikot dito sa kwarto ko akalain mo yun ganito pala ang feeling ng naglalakad magkahalong emosyon ang meron ako eh masaya ako pero sa loob ko parang ang bigat it's wired you know.

Marami akong nakikitang nakasabit na armas sa dingding well I love it! I love anything related to fighting basta kahit anong pwedeng magamit sa pakikipaglaban gusto ko yun at mukang totoo nga kasi ang dami kong collection.

Ngayon ko lang napansin itong mga ito ah? Pero ang nakakuha ng attention ko ay ang isang larawan ang larawan ng isang malawak na Karagatan. Parang na hypnotized ako sa ganda ng karagatan na iyon napakalawak nya at asul na asul ang tubig nito. Ganon ko talaga kamahal ang dagat noon? O magpahanggang ngayon?

Alam kong may dahilan ako kung bakit ako napunta sa dagat at nangyari saakin ang aksidente pero ang tanong ano? Ano ang dahilan at kung bakit kailangan kong gawin yun.

Alam kong may alam yung dalawa hindi lang nila sinasabi saakin dahil mukang ayaw na muna nilang ipaalam lalo na sa at ganito ang kalagayan ko.

Mas lalo akong natulala sa picture ng parang naririnig ko ang tunog ng dagat sa ilalim. Hanggang sa makita ko ang mga bagay na nasa ilalim ng dagat kaya agad akong napaatras dahil nakakita ako ng lumalangoy na kung ano pating ba yun?!

Napakurap ako at muling napatingin sa dagat.

"Anong meron sa dagat? Anong connection mo saakin?" Wala sa sarili kong tanong at inalis na ang tingin doon at napatingin sa lamesa na andito sa baba nya.

Hindi pa ako lumalapit dito sa study table na ito kasi nga ayoko hehe. Hinalungkat ko ang mga gamit ko at doon ay napatigil ako sa paghahanap sa isang drawer ng may makita akong isang notebook na kulay brown.

Agad ko yung kinuha at naupo dito sa upuan ng study table at binuklat yung notebook nanlaki ang mata ko ng makita kong dairy iyon! Malaking tulong to saakin baka may makuha akong sagot dito!

Sa unang pahina palang ang petsa ng simula nito ay noong 9 ako mukang ito yung araw na nagkakilala kami nila Aya at Charles grabe sobrang saya ko pala nung nakilala ko sila sabagay mahalaga sila saakin.

Madami akong mga kalokohan na nabasa dito na ginagawa naming tatlo alam kong 9 din ako ng mangyari ang aksidente at sabi ni Mama ay yun din ang mga panahon na naaksidente kami pero wala akong makitang kahit na ano tungkol doon. Nakita ko sa petsya na tumigil sya sa pagsusulat ng isang buwan. Grabe kahit naiisip ko lang nasasaktan na talaga ako.

Papa ko ang nawala kaya natural lang yun. Pero possible din na magsulat ako sa panahon na bago ako pumunta sa dagat at maaksidente! Tama agad kong binuklat sa pinakang huli itong dairy at doon ay nakita ko ang pahina na punit.

Teka bakit punit? Napatingin ako sa bahaging natitira at meron pang naiwan na nakasulat doon kaya agad ko yung binasa.

"Dear dairy,
Ngayong araw na ito ay mayroon akong nalaman na hindi alam ng marami. Nasasaktan ako pero mahal ko sya. Paano nya nagawa samin to?

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon