Chapter Eleven

751 41 0
                                    

Mia POV.

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon sa teacher namin masyado akong maraming nalaman ngayon at eto ako malalim ang iniisip habang nakatingin sa harapan.

Umalis na kasi ang Teacher namin dahil iba naman na ang susunod. Pero eto ako ang dami kong naiisip. Una ay ang Heavenly Kingdom , bakit hindi nabanggit saakin ni Mama yun? At isa pa ano ang nangyari at nawala ang namumuno dun? Pero sabagay ano bang connect ko dun diba pero parte sila ng magic world at isa pa ang kingdom na yun ang namumuno sa lahat.

Paano tumagal ng ganito na hinayaan nilang mawala ito? Kung ganon buhay paba ang Hari at Reyna? Isa pang iniisip ko ang Mermaid Kingdom hindi ko akalain na merong ganon lalo na at may kinalaman sa karagatan.

Karagatan na sinabi ni Mama na malaking parte ng buhay ko. Hindi kaya serena ako? Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa kakaisip naisip ko pa talagang serena ako?! Like seriously?!

"Nababaliw ka na ba?"

Agad akong napatingin sa nagsalita at si Dark pala yun. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"What? Nag tatanong lang ako" kibit balikat nyang sabi pero napunta ang attention ko sa labas ng kumidlat teka uulan? Nakita ko na madilim na sa labas tapos ang lakas pa ng hangin. Nakakapanibago naman ang bilis ng pagbabago ng panahon sabagay Magic World to walang imposible.

Pero natuon ang attention ko sa gubat na nakita ko kagabi , Madilim doon. Natural ba yun? Pero napaupo ako ng maayos ng may mapansin akong anino sa may gubat na iyon kaya napatayo ako at alam kong nakatingin na sila saakin.

"Mia may problema ba?" Narinig kong tanong ni Charles pero nagulat ako ng may biglang humila saakin at kasabay niyon ay ang pagkaupo ko ulit sa upuan ko at kitang kita ko kung paano dumaan ang isang mabilis na bagay sa harapan ko mismo na naging sanhi ng pagkabasag ng salamin.

"Ahhh!!!" Pero nakalimutan ko iyon ng makarinig ako ng sigaw pagtingin ko ay tinamaan yung nerd na fan ko at umaagos na ang dugo sa balikat nito.

Nagtilian naman ang mga Estudyante lalo na at nabasag ang salamin. Napatingin ulit ako doon sa nakita ko kanina pero wala na doon yun. Agad akong tumayo para puntahan yun pero may pumigil saakin.

Pagtingin ko si Dark pala iyon.

"Don't go there ikaw ang puntirya nila" parang nawalan ako ng lakas at muling napaupo sa upuan ko at nakita ko nalang na agad na nilang binuhat yung nerd na wala ng malay ngayon. Habang ang mga Estudyante ay nagsilabasan na.

Ako out of shock parin.

"May lason yun, alam kong alam mo ang bagay na iyon Mia" sabi sakin ni Terrain pero hindi ako sumagot.

Tama sya hinding hindi ko makakalimutan ang nakita ko isa iyong bala , isang uri ng Baril na ako mismo ang nag imbento dahil nabasa ko na iyon sa listahan ko. Ang ganoong armas ay kayang makapatay kung gugustuhin ng gumamit  pero sa tingin ko talaga ay may lason yun.

Hindi ko alam ang dahilan kung bat ko inembento yun pero oo maaring makatulong sayo yun pero maari mo ring ikapahamak ang ganon. Lalo na ako,ako ang may gawa at ngayon ay ginagamit na panlaban saakin.

"Mia" napatingin ako sa harapan ko at nakita ko na nakaluhod doon si Charles at nakatingin saakin. Ako nama ay lutang talaga.

"Hindi kana ligtas dito" sabi nya saakin nalalo lang dumagdag sa isipin ko. Hindi ko na sya napakinggan pa dahil wala na akong maisip kungdi ang mga nangyari.

Namalayan ko nalang na andito na ako sa loob ng kwarto ko at pagtingin ko sa orasan ko ay mag 12 na ng umaga. Ganon ba ako kalutang para hindi ko na namalayan ang pag lipas ng mag hapon?

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora