Chapter Nine

766 48 0
                                    

Mia POV.

"Teka nga kilala nyo ako?" Sabi ko sa kanila ng humiwalay ako sa yakap ng dalawang babae. Dalawa kasi yung babae dito tapos apat yung lalaki.

Nakita kong nagulat ang mga ito dahil sa inasta ko at hindi makapaniwalang nakatingin saakin kaya tinaasan ko sila ng kilay. Mga nakanganga hindi manlang ako sagutin.

Pero nagulat ako ng yakapin ako ng isang lalaking may puting buhok.

"Mia I miss you" narinig kong bulong nya saakin hindi yun basta bulong lang dahil sa utak ko mismo narinig yun. Pero agad ko rin naman sya naitulak at bumakas ang gulat sa kanya pero maya maya lang din eh naging blangko na ang tingin nito pero sakin parin nakatingin.

"Guys si Mia nga ang kasama ko at nawala ang ala ala nya kaya nakalimutan nya kayo" napasinghap naman ang mga babae dahil sa sinabi ni Charles tungkol saakin.

"So totoo talaga yung balita galing sa labas?!" Gulat na tanong ng isang babaeng kulay Violet ang buhok. Tumango naman si Charles dahil doon.

"Edi hindi mo talaga kami naaalala?" Napaatras ako ng muka ng biglang sumulpot ang isang lalaki sa harap ko at sobrang lapit nya may brown sya na buhok.

Pero dahil nga sa nagulat ako eh kasabay ng pag atras ko eh nasuntok ko sya sa muka at ayun black eye. Namimilipit na ngayon hawak ang kaliwang mata nya.

"Hahaha! Ayan lilitaw ka pa ah! Alam mo namang wala ng naaalala si Mia nasuntok ka tuloy!" Tawa ng isang babae na gray ang buhok. Yung yumakap kay Charles kanina.

Pero muling lumapit saakin yung lalaking yumakap sakin at hinawakan ang kamay ko pero agad ko inalis iyon.

"Pwede ba?! Hindi kita kilala" malamig kong sabi sa kanya na ikinaatras nya naman saakin. Hinawakan naman nung lalaking blue ang mata ang balikat nito at umiling sa lalaki. Ang kulit kasi kung makakapit kala mo kung sino! Hmp!

"Lilinawin ko lang. Hindi ko kayong lahat maalala kaya pwede kung ano man ang nangyari noong mga panahon na nakalimutan ko eh wag nyong dalhin ngayon. Dahil WALA AKONG MAALALA"

Sabi ko at yung huling parte ay pinagdiinan ko pa talaga dun sa lalaking may puting buhok. Mukang naramdaman nila ang inis ko sa kanila kaya natahimik silang nakatingin saakin.

"Ano?!" Sabi ko at nagulat naman sila lalo na yung mga babae.

"Mia grabe ka samin! Ang harsh mo na ngayon!" Sabi nung Violet ang buhok.

"Tama si Ann , Mia kaibigan mo kami" sabi nung Faye doon naman ako natauhan. Kilala nila ako so it meana kaibigan ko nga sila. Eh hindi ko naman kasi sila maalala tapos ganon pa ang nangyari.

Kaya napahinga naman ako ng malalim at pumikit kailangan ko mag isip ng maayos.

"Fine I'm sorry. Hindi ko talaga kayo maalala at ito lang ang sasabihin ko iba na ako sa Mia na nakilala nyo" sabi ko sa kanila na ikinataka nila pero nagsalita ulit yung Violet ang buhok.

"Wag kang mag alala ma aalala mo ulit kami! Ako nga pala si Ann!" Pakilala nya saakin at sumunod naman si Gray head girl.

"Ako naman si Faye" nakangiti nyang sabi saakin. Napatingin ako sa katabi ni Ann na siniko nya yung nasuntok ko.

"Ouch! Ako nga pala si Greg ang sakit ng suntok mo may black eye tuloy ako" reklamo nya saakin pero nag kibit balikat lang ako sa kanya.

"I'm Terrain" sabi nung lalaking yumakap saakin at kitang kita ko sa mata nya ang sakit? Sino ba sya sa buhay ko?

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon