Chapter Thirty-Nine

634 33 0
                                    

Third Person POV.

Matapos na malaman ni Dark ang bagay na itinatago ni Rilakkuma ay palagi na nya itong sinasamahan kahit saan dahil hindi niya alam na baka bigla nalang syang bumalik sa pagiging pula ang mga mata.

"Ano ba talaga ang nangyayari saakin dark?" Tanong sa kanya ni Rilakkuma. Nasa Library sila ngayon at naghahanap si Dark ng libro na pwede makatulong sa dalaga para hindi matuloy ang pagiging parte nito sa mga demon.

Humarap naman sa kanya si Dark.

"Remember yung nakita mo sa Heavenly Kingdom? They are Demon. Sila ang mga uri ng magicians dito sa Magic World na aksidente na napagsalinan ng kapangyarihan ng Demon God , hindi ko alam kung ang sa kaso mo eh noon pa man ay talagang nakuha mo na yan at napagsalinan ka ng kapangyarihan ng demon God o dahil lang iyan sa nakita at nakipagtitigan ka noon sa mga demonyo"

Hindi makapaniwala si Rilakkuma sa sinabi sa kanya ni Dark. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi na nya maalala ang nangyari noong may nakita sya sa Gubat noon.

"Ano bang mangyayari kapag tinitigan mo sila? Or kaya kapag isa ka sa kanila?" Napahinga naman ng malalim si dark di alam kung sasabihin nya ba kay Rilakkuma pero wala syang choice kung di sabihin dahil karapatan nito iyon lalo na sa nangyayari sa kanya ngayon.

"Ang sabi nila ma hi-hypnotized ka kapag tinitigan mo sila at kapag nangyari yun ay gagawin mo ang lahat para mag pakamataynagulat naman si Rilakkuma dahil sa sinabi nya.

"I-ibig sabihin na Hypnotized na ako noon?" Gulat na tanong nya na ikinatango ni dark.

"Oo sobrang takot ko na mawala ka sakin non. Mabuti nalang at alam nila Ann at Faye ang spell para mawala ang pagka hypnotized mo.

Habang ang mga Demonyo naman ay kapag kabilang ka sa kanila kahit sino na makita mo ay papatayin mo.

Ang ganitong uri ng pagiging demonyo ay sa una mamumuhay kapa ng parang normal at kapag dumating ka sa tamang edad kusa nalang iyon na lalabas"

Napakunot naman ang noo ni Rilakkuma dahil doon at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naalala pa nya nagsimula ito bago sya mag birthday at mas lumala noong matapos ang birthday nila ng kambal nya. Agad syang napatingin kay dark na nanglalaki ang mata. Nahalata naman ni dark na may iniisip ang dalaga.

"Ano yun baby sabihin mo saakin" sabi ni dark pero umiling lang si Rilakkuma sa kanya. Ayaw nitong sabihin kay dark ang bagay na iyon.

"Tutulungan kita baby please sabihin mo saakin. Ano ang iniisip mo? Ayokong mawala ka saakin"

Napapikit nalang si Rilakkuma dahil pinipigil nya ang luha nya ng marinig  ang sinabi ni dark.

"A-anong nangyari sa mga Demonyo dark? Bakit hindi na sila nanggugulo ngayon?"

"Ang Mommy at Daddy nyo ang umasikaso sa kanila. Mayroong lugar na ginawa nila para sa mga ito at doon ay panghabang buhay na silang naroon. Hindi ko alam kung bakit may demonyo sa gubat noon.

Pero hindi naman sila nanggulo sa bayan iyon ang nakakapagtaka"

Hindi na napigilan ni Rilakkuma ang luha nya dahil sa narinig nya na ikina alala naman ni dark sa dalaga.

Ngayon nya lang naramdaman na sigurado na sya na hindi nya masasamahan hanggang dulo si Dark.

"Shhh... Bat ka umiiyak? Sabihin mo saakin baby hindi kita iiwan"  mas lalo lang napaiyak si Rilakkuma sa sinabi ni Dark at niyakap ng mahigpit ang dalaga na parang ayaw na nya itong pakawalan pa.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now