Chapter Twelve

718 37 0
                                    

Third Person POV.

Isang araw na ang lumipas at hindi parin nagigising si Mia nag aalala na ang mga kaibigan nya lalo na si Charles hindi nya talaga iniwanan ang dalaga hanggat hindi ito nagigising at ngayon nga ay andon silang lahat sa kwarto nito at inaabangan parin ito na magising.

"Bakit si Mia ang gusto nila?" Nagtatakang tanong ni Ann at hawak ang kamay ng dalaga , nakaupo naman sya sa isang bangko at si Faye naman ay nakaupo sa hinihigaan ni Mia at tinitignan din ang dalaga.

May mga galos pa ito sa muka dahil siguro sa pagkakatalsik nito nung sirain nila ang Barrier. Malakas na tunay ang pagkakagawa ng barrier na iyon mabuti nalang at nagawa nilang sirain yun.

"Alam ko kung bakit" napatingin sila kay Charles nga mag salita ito hindi kasi nila alam kung ano ang posibleng dahilan kung bakit gusto syang patayin o kunin.

"Gusto nilang kunin o patayin si Mia , Dahil isang magaling na inventor si Mia malaki ang tulong nya kung sakaling makuha nila sya , pero alam nilang hindi sasama si Mia kaya papatayin nalang nila ito para walang tutulong satin kung sakaling sugudin nila tayo"

Napasinghap naman sila sa sinabi ni Charles

"Paano mo nalaman yan Charles?" Tanong ni Dark sa kanya. Napayuko naman si Charles at binalikan ang ala alang hinding hindi nya makakalimutan.

*Flashback*

"Mia pumasok kana kasi sa academy! Sige na ilang taon na ang nakakaraan oh! Pasok na tayo" pagpupumilit ni Charles dito dahil simula ng maging magkaibigan sila ay palagi talaga sya nitong kinukulit.

"Charles ilang beses ko ng nasagot ang tanong na yan" bali walang sabi ni Mia habang nakaupo sila sa bench sa may isang Garden sa lugar nila.

"Eh! P-"

Hindi naituloy ni Charles ang sasabihin nito dahil nagulat sya ng agad syang iyuko ng dalaga at doon nga ay may nanggaling na kapangyarihan mula sa likod nila.

Agad na naging mabilis ang kilos ni Mia dahil narin speed ang kapangyarihan nya ay may nailabas sya kaagad na Katana mula sa hita nya at ginilitan ang mga kalaban pero may itinira syang isa.

"Anong gusto nya saamin?!" Galit na tanong nito habang hawak ang buhok ng lalaki at pinatingala sa kanya at nakatutok ang katana sa leeg nya.

"Ikaw! Ikaw ang gusto namin! Sumama kana saamin!" Natigilan naman si Mia dahil sa sinabi nung lalaki na ikinaluwag ng pagkakakapit nya sa buhok nito na kinuha iyon ng lalaki na isang pagkakataon para itulak ito at nagtatakbo na palayo at hindi na makita.

Habang si Charles ay agad na nilapitan si Mia

"Mia! Mia! Ayos ka lang ba?!"

Tanong nito sa dalaga pero nakatulala lang ito at kitang kita ni Charles ang pagtulo ng luha ng dalaga hindi nya alam kung nasaktan ba ito o natakot sa sinabi nung lalaki pero alam nyang hindi ugali ni Mia ang salitang takot dahil talagang napakatapang na dalaga nito.

Pero ngayon ay nakikita na nya ang takot sa mata nito.

"Gusto nila ako Charles! Kukunin nila ako! Pero ayoko! At alam kong papatayin nila ako!" Nanlalaking matang sabi sa kanya ng dalaga sa kanya at hindi alam ang gagawin. Ngayon lang nakita ni Charles na ganon ang dalaga. Sa ilang taon nilang pagsasama ay ngayon nya lang nakita ang pagka off guard nito.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now