Chapter Thirty-five

615 32 0
                                    

Rilakkuma POV.

"Rilakkuma anong sinasabi mo?!"  Napatingin ako sa likod ko ng magsalita si twiny alam kong gulat na gulat ang mga ito sa nalaman nila pero wala akong magagawa. Umiling nalang ako sa kambal ko at muling humarap sa mga Estudyante.

" Gusto kong sabihin sa inyo na nalalapit na naming malaman ang nangyari tungkol sa nakaraan.

Kung bakit at paano nawala ang Hari at Reyna ng Heavenly Kingdom.

Iyon lang Students Good day! "

Sabi ko at umalis na doon pag lapit ko sa kanila agad akong niyakap ng kambal ko Kaya napatawa ako ng bahagya.

" Twiny di ako mamamatay ang OA mo "  sabi ko sa kanya at humiwalay sya sa pag kakayakap nya at mag sasalita pa sana sya ng pigilan ko sya.

" Hep! Ayos lang ako promise! Tara na punta na tayo sa Dorm! "  Sabi ko at nagsimula ng mag lakad. Hindi ko alam pero naiiyak ako. May hindi maganda akong nararamdaman hindi ko maipunto kung ano nga ba yun basta hindi sya maganda.

Napatingin ako sa tabi ko ng may humawak sa kamay ko kaya napangiti ako at si Dark pala yun. Hinawakan ko rin ang kamay nya at kumuha ng lakas sa kanya. Kitang kita ko ang pag aalala sa muka nya pero hindi ako nag salita basta ngumiti lang ako at muling naglakad na.

Ng makarating kami sa dorm ay naupo ako sa sofa at sumunod sila saakin. Napapikit naman ako kasi diko maintindihan may something sa loob ko.

" Rilakkuma paano mo nalaman? "  Napadilat ako at nakita ko na nakatingin sila saakin lahat at iniintay ang sagot ko.

" Kay Mama. Nakita ko sa kwarto nya yung sulat nya bago sya mawala. Sa kanya ko nalaman "  nakita ko na hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

" Kaya pala , ngayon alam ko na ayos ka na nung ilibing ang mama nyo pero bumalik ka sa dati pero bakit hindi mo sinabi saamin? " Sabi ni Charles pero umiling lang ako.

" Hindi yun ang tamang oras para sabihin ko yun at isa pa kaya ko naman ang sarili ko kaya wag kayong mag alala " sabi ko sa kanila na nakangiti.

" Ang selfish mo "  napatigil ako at napatingin sa kambal ko ng sabihin nya yun at nagulat ako ng lumuluha na ito kaya hindi ako nakapag salita.

"Napaka selfish mo Rilakkuma! Palagi kang ganyan. Mas gugustuhin mo na sarilihin lang ang lahat kesa sabihin saamin! Para saan pa at naging kaibigan kami hindi ba?! Para saan pa at laging nasatabi mo si Dark pero di mo nagawang mag kwento!

Para saan pa at naging kambal mo ako! " 

Sabi saakin ni twiny at umalis na sa dorm. Hindi ako naka react sa sinabi nyang iyon. Hindi ko sya sinundan kasi hindi ko din alam ang sasabihin ko. Tama naman kasi sya.

Selfish na kung selfish pero hindi ko hahayaan na may madamay na iba dahil lang saakin. 

Niyakap naman ako ni Dark pero ilang sandali lang ay lumayo ako sa kanya at umalis. Gusto ko munang mapag isa.

Nag teleport ako sa isang lugar dito sa academy na para din syang maliit na garden tapos may fountain sa gitna. Lumapit ako doon at tumingin sa tubig napakalinaw niyon at kitang kita ko ang sarili ko.

Napapikit nalang ako at napahinga ng malalim.

Kahit anong mangyari hindi ko hahayaan na madamay sila. Kailangan kong umisip ng paraan para hindi ko madala dito ang mga rebelde.

Pag dilat ko ay nagulat ako sa nakita ko sa tubig na reflection ko na ikina atras ko! Kulay pula yung mata ko!

Natigilan ako at may kung anong takot ang naramdaman ko. Unti unti ulit akong lumapit sa fountain pero pagtingin ko ay wala na yung nakita ko. Hindi parin maalis ang kaba saakin siguro namalik mata lang ako.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now