Chapter Thirty-Two

597 30 0
                                    

RILAKKUMA POV.

Nagising ako ng maayos na ang pakiramdam ko kaya bumangon na ako at naalala kong nasa Mermaid Kingdom pa  pala kami. Naalala ko naman ang ginawa ko doon sa Dark Queen , tama natalo ko na sya. Hindi naman sya ganon kagaling sakto lang.

Lumabas na ako at nadaanan ko ang isang bintana kaya agad akong sumilip doon at napangiti ako ng makitang masaya na ang mga serena at sereno dahil nagagawa na nilang makalabas. Malaya na sila. Tama nga si Twiny ako ang makakapagpalaya sa kanila.

Sa totoo lang nung ginawa ko yun kahapon diko ineexpect yun basta nag kusa ako na gawin yun at eto na nga ang kinalabasan. Napangiti nalang ako dahil sa nakikita ko sa kanila. Ngayon sigurado na ako na wala ng mang gugulo sa kanila. Nagulat ako ng may yumakap saakin mula sa likod kilalang kilala ko na kung sino ang gumagawa nyan.

" Are you feeling better now? "  Napatingin naman ako kay dark na nakapatong ang baba sa balikat ko at tumango ako sa kanya.

" I'm fine now " sabi ko sa kanya.

" Dapat lang dalawang araw ka kayang tulog "  nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Seryoso sya?!

" Dika makapaniwala no? Kung alam mo lang sobrang nag alala ako sayo pero buti nalang sabi ng lolo mo natural lang daw yun dahil sa ginawa mo "  so totoo nga? Grabe ang tagal non!

" Kaya pala nagugutom na ako " napatawa naman sya dahil sa sinabi ko at kinurot ang ilong ko na ikinareklamo ko.

" Lets go Hindi dapat nagugutom ang baby ko " napatawa naman ako sa sinabi nya at nag pahila nalang sa kanya nakapalibot parin ang isang kamay nya sa bewang ko habang papunta kami sa may kusina.
" Sigurado akong matutuwa sila pag nakita nilang gising kana " 

Ng makarating kami sa Kusina ay nakita ko sila na papakain palang mukang sakto ang dating namin ah?

" May pagkain ba para sakin? " Nakangiti kong sabi sa kanila na agad nilang ikinalingon.

" Wahh!! Rilakkuma! " Sabay sabay na sabi nung apat na babae at agad na tumakbo saakin at dinambahan ako ng yakap na ikinatawa ko naman.

"Grabe miss na miss nyo ako ah haha " sabi ko sa kanila.

" Talaga lang! Ang tagal mong matulog ah! " Sabi saakin ni Aya
" Sa tagal mong natulog di mo tuloy nakita na nakabalik kami sa Magic World! Haha " napatingin naman ako kay Faye dahil sa sinabi nya pumunta sila sa Magic World?!

" Hindi nyo ako sinama?! Ang daya nyo! " Sabi ko na ikinatawa nila.
" Rilakkuma remember tulog ka " ay oo nga pala.

" Nakita ko na si Mama twiny nakausap ko narin sya at hindi na daw sya makapag hintay na makita tayong dalawa ng magkasama at makapag bonding tayo " sa sinabi ni Twiny ay na miss ko tuloy lalo si Mama.

" Wag kang mag alala babalik na tayo agad mamaya " sabi ni Charles na ikinatingin ko sa kanya at nanlaki pa ang mata ko!

" Totoo?! "  Nakangiti kong sabi na ikinatango nya at lumapit kay Twiny.

" Napag usapan na namin ito apo. Na pag gising mo ay babalik na kayo sa Magic World " agad akong pumunta kay lolo para yakapin ito at halikan sa sobrang saya ko.

" Kami walang yakap? " Napatawa ako at lumapit kila Tito at Tita na mama ni Aya at niyakap at hinalikan din sila sa Pisnge. Masaya ako at nadagdagan ang pamilya namin!

" Sige na kumain na tayo alam kong excited na yang isa jan " napatawa naman ako sa sinabi ni Terrain kaya naupo na agad ako sa tabi ni Dark na nakangiti din saakin. I mouthed to him thank you na ikinangiti nya.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now