Chapter Twenty

670 39 1
                                    

Mia POV.

" Aray! Dahan dahan naman Mia may galit ka ata saakin eh! " Sabi saakin ni Dark ginagamot ko kasi ang sugat nya sa gilid ng labi na gawa ko. "Kasalanan mo naman yan! Magtiis ka hmp! " Sabi ko sa kanya at tinuloy ko ang pag dampi ng bulak sa sugat nya. "Aminin mo na kasi nagustuhan mo din naman haha-Aray!" Paano idiniin ko na talaga yung bulak sa sugat nya. Kanina pa yan nangiinis edi ayan nainis na talaga ako.

" Alam mo nakakainis ka! Tigilan mo ako dark ah! Nako! " Nanggigigil kong sabi sa kanya na ikinatawa naman nya. Gustong gusto nya talagang iniinis ako tsk. " Mia " napatigil ako sa ginagawa ko ng tawagin nya ako kaya napatingin ako sa kanya. " Ano yun? " Tanong ko sa kanya pero nakatitig lang ito saakin na ikinataka ko. Kaya tinaasan ko sya ng kilay. " Anong titigyan ha? Alam kong maganda ako wag mong pahalata " natatawa kong sabi sa kanya "Alam ko. Maganda ka talaga Mia" namula naman ako sa sinabi nya. "Niloloko lang kita haha" Awkward kong sabi at bumalik sa paggamot ng sugat nya. Pero hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatitig ito ng malalim saakin. Parang gusto nyang basahin kung ano ang nasa utak ko. Hindi ko maiwasan pero ang mapatitig din sa kanya. Hanggang sa nakita ko na unti unti ng lumapit ang muka nya saakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Kaya napapikit nalang ako ng mariin. At maya maya nga ay naramdaman ko nanaman sa pangalawang pagkakataon ang labi nya. Tumagal iyon ng ilang segundo pero agad ko din sya natulak ng pumasok sa isip ko si Charles at ang katagang sinabi nya na kaya nyang mag hintay ng matagal.

" M-mali ito Dark.... Mali " sabi ko sa kanya na hindi alam kung saan titingin. " Mia Mahal kita " sabi nya saakin na ikinagulat ko pero umiling lang ako ng umiling at tumayo na. " Hindi dark mali... Wag " sabi ko sa kanya at naiiyak na ako. Alam mo yung feeling na masaya ka kasi gusto ka rin ng taong gusto mo pero hindi mo magawang maging masaya dahil hinahunting ka parin ng nakaraan mo. At iyon ay si Charles. Anjan lang si Dark.

"Mia" sabi nya saakin at tumayo nadin sya at hinahawakan ang kamay ko pero inaalis ko yun. "Dark hindi pwede" sabi ko sa kanya at diko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Mia makinig ka saakin-"

" Hindi dark hindi mo naiintindihan! " Frustrated kong sabi sa kanya. At tumalikod na para umalis pero agad nyang nahawakan ang brso ko kaya diko na naiwasang tuluyang maiyak at ibuhos ang gusto kong sabihin.

" Dark hindi pwede! Mahal ko noon si Charles! N-nangako ako sa kanya na hindi iyon ang tamang panahon saamin. A-ang sabi nya saakin mag hihintay sya. Ayokong saktan si Charles dark. Patawarin mo ako " sabi ko sa kanya at tumakbo na palabas. Nakita ko ang lungkot at gulat sa muka ni Dark bago ko sya iwan. Tumakbo ako sa Garden at doon ko binuhos ang mga luha ko.

" Ahhhh!!!! " Sigaw ko sa kawalan ng hindi ko na talaga kinaya. Ang sakit sakit lang. Ang sakit sabihin ng mga salitang yun sa taong mahal mo pero wala kang magagawa kasi iyon ang nararapat. Si Charles ang una , si Charles ang Mahal ko pero bakit iba ang sinisigaw ng puso ko? " Bakit ang unfair ng tadhana saakin?! " Iyak kong sabi sa kawalan. Hanggang sa may humila saakin at niyakap ako. Kilala ko ang amoy na ito. " C-charles "

Hindi ko na napigilan at lalong napaiyak sa bisig nya. " Sorry charles! I'm so sorry! " Iyak kong sabi sa kanya at niyakap naman nya ako ng mahigpit. " Shhh... You don't have to be sorry to me Mia " sabi nya pero umiling lang ako sa kanya " Sorry Charles " ulit ko pa sa kanya. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. " Mia magiging ayos din ang lahat tahan na " sabi nya saakin nito pero nagpatuloy lang ako sa pag iyak at niyakap ko nalang sya.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now