Chapter Twenty-Two

607 42 0
                                    

Third Person POV.

Naiwang tulala si Mia dahil sa mga nakita nya. Abot kamay na nya si Aya pero ngayon ay wala na itong muli. At hindi din sya makapaniwala sa nalaman nya. Pero hindi sya galit kay Aya sadyang hindi nya lang inaasahan na ganon ang mangyayari.

Sa kabilang banda naman ay na detect na nila Headmistress na may kakaibang nangyayari sa isa sa mga estudyante doon. Agad nilang hinanap ang CCTV na malapit sa kinalalagyan nung may pulang dot , tanda na nasa kapahamakan ito , at nanlaki ang mata nito ng makitang si Mia nakaupo sa lupa at tulala. Kitang kita ng mga Guro ang pagtulo ng dugo sa leeg nito at ang nakatali nitong magkabilang braso.

Naalarma na agad ang lahat at agad na lumabas sa room na iyon si Headmistress at naabutan nya ang Royalties na naghihintay kay Mia.

Nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay wala parin ito. Si dark naman ay nag aalala na pati narin si Charles. Alam nila na may kakaiba ng nangyayari.

" Bakit wala parin si Mia? Baka may nangyari ng masama sa kanya! " Sabi ni Ann at nakaabang silang lahat sa may ng pinto pero may mga lumalabas man na estudyante mula doon hindi naman iyon si Mia.

" Royalties! "

Agad napalingon ang mga ito ng marinig nila ang simigaw ni Headmistress na nakakuha din ng attention ng iba.

Sa itsura palang ni Headmistress ay naghinala na ang mag kakaibigan na may kakaibang nangyari. " Si Mia! Nasa panganib sya! " Napamura na nga si Dark dahil sa sinabi ni Headmistress at halos lahat ay nagulat sa narinig nila mula kay Headmistress. Tumayo si Headmistress sa harapan at nagsalita.

"Announcement students. Ngayon ngayon lang ay na detect namin na may isang estudyante ang nasa kapahamakan at iyon ay si Mia.

Kung maaari lang ay walang aalis dito dahil hindi kami nakakasigurado sa mga mangyayari. Mas maganda na mag kakasamasama kayo.

Habang kami ay papasok sa loob para iligtas si Mia"

kinabahan naman ang mga estudyante dahil sa sinabi ni Headmistress bukod sa di nila alam kung safe ba sila eh si Mia hindi nila alam kung ayos lang ba ito. Hanggang sa napatingin sila sa itaas ng may lumitaw na screen doon at nakita nila si Mia na hindi parin gumagalaw ngayon..

" Mia! " Sigaw ng mga kaibigan nito at si dark ay parang gusto ng pumatay dahil sa nakikita nila pero ang mas ikinagulat nila ay ang mga sumunod na nangyari.

Si mia ay tulala lang pero maya maya ay tumalsik ito papalayo. Hindi inaasahan ni Mia iyon dahil ukupado parin ang utak nya. Pero natauhan sya ng muli syang tumalsik at nakaramdam na ng masakit sa kanyang hita at pagtingin nya ay parang nasusunog iyon.

" Ahhh!! "

Naisigaw ni Mia at agad na pinalabas ang Heavenly Sword nya at ginamit ang kapangyarihan nito para ma revealed ang katauhan ng may kagagawan niyon.

" Kailangan na natin syang puntahan! "

Sabi naman ni dark at nanguna na sa pagpasok sa gubat. Sumunod na ang mga kaibigan nya pati si Headmistress at agad na silang pumunta sa kinalalagyan ni Mia.

Habang ang mga Estudyante ay nagulat sa nakita nila na lumabas na isang babae ng ginamit ni Mia ang kapangyarihan ng sword nya.

"Ma'am"

sabi ni Mia at nginisian naman sya nito kaya naging maagap si Mia at tinadyakan nya ang babae. Sobrang sakit ng hita nya dahil sa acido na iyon.

Hindi sya makapaniwala na ang napagtanungan nyang teacher tungkol sa gubat na kinalalagyan nila ngayon ay ang isa sa mga taong nagtatangka sa buhay nya. Tumayo sya ng pilit. " B-bakit?! " Sigaw nya dito na ikinatawa naman nito.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora