Chapter Twenty-Eight

630 36 1
                                    

Mia POV.

Pagkatapos nung makamundong iyakan at revelation kanina ay nagpahinga muna kami dahil parang sasabog ang utak ko sa dami kong nalaman ngayon.

Ang dami kong naiisip. Nasaan ang Kambal ko? Totoong may kambal ako kasi sobrang magkamuka talaga kami ni Mia , ako nga ang napagkamalan nila na Mia. Ayokong isipin na wala na ang Kambal ko kasi alam ko , ramdam ko buhay pa sya kaya pala parang pakiramdam ko noon pa na nasa dagat ako may kulang saakin.

Iisa kami ng kambal ko. Nagkahiwalay kami baby palang  pero eto ang tadhana at pinaglalapit ulit kami ang kaso nawawala naman sya at ako ang pumalit sa kanya.

Isa pang iniisip ko ay si Aya. Asaan na si Aya? Bakit hindi nalang sya sumama saamin nila Charles bakit kailangan pa nyang lumayo at bakit nya ako binabantayan? Alam kong mag kaibigan kami pero alam ko rin na may reason sya. May kinalaman kaya ang Kambal ko sa nangyari kay Aya? Imposible kasi bago nawala si Aya eh wala na talaga ang kambal ko.

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Isa pa nag aalala ako sa lolo ko. Iniwan ko sila na nasa isang magulong sitwasyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila. Ilang taon ko silang kasama ayokong may mangyaring masama ni isa man sa kanila kahit kokonti lang kami sa lugar namin ay masaya kami.

Isa pa pala merong Mermaid Kingdom at doon dapat kami nababagay pero bakit wala kami doon? Ay oo nga pala nawala na ang Mermaid Kingdom pero paano sila nakabalik at saan sila napunta? At bakit parang kabigla bigla ang lahat na makababalik agad sila? Ano ba talaga ang nangyari sa ilalim ng dagat. Alam ba ni Lolo ang tungkol sa Mermaid Kingdom? Bakit hindi kami sumama sa mga Sereno at Serena na iyon? Hindi ko na alam ang dami kong tanong pero wala namang nga sagot nakakainis. Kailangan na talaga naming pumunta sa Dagat sa lalong mabilis na panahon.

" Baby " napatigil ako sa pagiisip ng may humila saakin nakaupo kasi ako sa higaan ko kaya napahiga ako at niyakap ako ni Dark. Si dark lang naman ang lagi kong kasama sa kwarto.

" Hindi na ako baby " sabi ko sa kanya na ikinatawa naman nya.

" I know pero para sakin ikaw ang baby ko " namula ako sa sinabi nya at hinalikan nya ang noo ko. I'm so lucky to have Dark by my side. Hindi nya ako iniwan kahit nalaman nya na ibang katauhan ako.

He remains in love with me.

Isa yun sa kinatatakutan ko ang bigla nalang akong layuan ni Dark.

" Why are you crying baby? May masakit ba sayo? " Nag aalala nyang tanong saakin kaya umiling naman ako at pinunasan ang luha ko , pinigilan nya ako at sya ang nagpunas niyon kaya napangiti naman ako. Para na akong sira kasi umiiyak ako tapos ngingiti naman.

" Thank you dark. Thank you at anjan ka parin sa tabi ko sa kabila ng nalaman mo. Natakot talaga ako na lumayo ka saakin dahil hindi ako ang kambal ko " sabi ko sa kanya na ikinailing namn nya sakain.

" Diba sabi ko sayo wag mong isipin yan. Kahit sino kapa mamahalin kita. Ikaw bilang Rilakkuma na ang nakilala ko. Nawala man ang ala ala mo nun pero ang pagkatao mo ikaw parin.

Sa totoo lang nung dumating ka sa academy ay malaki nga ang pagkakaiba nyo ni Mia. Pansin ko yun. Cold ka pero si Mia hindi  naisip ko baka dahil lang sa nawalan ka ng ala ala mas lumala. Pero ng makilala pa kita mas lalo lang akong nahulog sayo at hindi na ako makaahon sa pagmamahal na yon " napangiti naman ako sa sinabi nya saakin. Palagi nya talaga akong pinapakilig walang palya.

" Alam mo kahit kailan ang bulaklak ng bibig mo " sabi ko sa kanya na ikinatawa naman nya.

" Haha hindi ah ganito lang talaga ako pag nagmahal. First time ko rin kasi kaya nakakabakla man para sa iba pero ito talaga ang totoo kong nararamdaman kasi nga Mahal na mahal kita "

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now