Chapter 28

205 40 23
                                    

CHRISTINE

7 Months Later

"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.

"No thanks. I still have something to do," palusot ko na lang kahit sa totoo lang ay gusto ko lang talaga magpahinga.

Ilang beses na akong nainvite sa mga parties nila dito pero isang beses pa lang ako nakapunta.

Sa totoo lang, mas boring pa yung parties nila dito kaysa sa mga parties sa Pilipinas.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Lampas isang buwan na akong nag-aaral dito pero naninibago pa rin ako sa environment ko.

At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na natupad na ang pangarap kong makapag-aral abroad. Ang isang rason din kung bakit hindi ako sumasama sa mga lakwatsa rito ay para maiwasan kong maifluence at madistract.

Ang goal ko lang kasi ngayon ay makakuha ng mataas na marka para marecommend ako sa Harvard.

Ilang saglit pa ay may nakita akong lalaking Pilipino sa di kalayuan. Bihira na lang kasi akong makakita ng mga kababayan ko ngayon.

Matangkad siya at malinis yung gupit ng buhok. Nakasuot siya ng denim na panatalon at puting T-Shirt pero agaw pansin din yung gold necklace niya na nag-overlap sa shirt niya.

May maliit na pendant 'yon pero hindi masyadong klaro. Lalampasan ko lang sana siya kaso bigla siyang nagsalita.

"Uhm, excuse me," tugon niya dahilan para mapalingon ako. "Alam mo ba kung saan dito ang main building?" tanong niya.

Medyo matagal tagal na rin pala nung makarinig ako ng tagalog. Sa messenger lang kasi kami usually nag-uusap nina mommy at daddy.

Agad ko namang itinuro sa kaniya yung direksyon pero natawa na lang ako sa kaniya kasi nakakunot na 'yong noo niya.

"Busy ka ba? Pwede bang samahan mo nalang ako?" sabi niya. Hindi ko naman alam kung bakit hindi ko siya natanggihan.

Mabilis naman kaming nakarating sa main building. Akmang tatalikod na sana ako kaso nagsalita pa siya.

"Salamat nga pala," tugon niya.

"You're welcome," saad ko naman at tumalikod na.

Isang linggo na ang lumipas at napag-alaman kong meron palang freshmen orientation. Hindi naman ako kasali dun kasi transferee lang ako pero naisipan kong pumunta na rin doon para malaman ko na rin yung mga activities dito.

Pagdating ko sa indoor gym ay medyo marami na ang mga tao. Medyo out of place tuloy ako kasi lahat ng mga nandito ay puro mas bata sa akin. Ako lang ata yung senior na baguhan dito.

Ilang saglit pa ay may napansin akong pamilyar na tao sa akin. Siya yung nagpasama sakin sa main building dati. Lalapitan ko rin sana siya kaso nakita niya na rin pala ako kaya siya na yung tumakbo palapit sa akin.

"Ba't ka nandito?" tanong ko.

"Bakit nga ba? Edi syempre dito ako mag-aaral," sabi niya at nagchin-up pa hays. "Music and Arts yung major ko dito," dagdag niya pa kaya napatango na lang din ako.

Similar lang talaga yung education system ng Pilipinas at ng United States. Kaso nga lang, iba iba yung dito, depende sa state.

Dito sa school na 'to ay may iba't ibang tracks din na pwede mong kunin. Preparation na din siya for college life.

"Isa kang musician?" tanong ko at siya naman ngayon napatango tango. Kaya pala may guitar pendant siya sa necklace niya.

"Nako tara na, baka mahuli pa tayo sa mga announcements," tugon niya kaya agad na rin akong sumunod sa kaniya papasok.

Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon