Chapter 23

193 42 20
                                    

KENT   

Tahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.

"Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?" tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?

"Kaninang madaling araw lang anak," sagot naman ni dad.

Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.

Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan 'pa' lang talaga kami, tsk.

"Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?" tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din yung sinabi ng nanay at tatay ni Christine nung tinanong ko sa kanila kung ba't napa-aga yung uwi nila.

"Hindi naman po sa ganon," tugon ko nalang.

Pagkatapos naming kumain, sinabi ko nalang kay dad na ihahatid ko lang sa labas si Christine. Akala ko sasabihin pa niya sa aking ihatid ko si Christine sa kanila lalo na't gabi na pero hindi naman niya sinabi yun.

Isang linggo na ang nakalipas at busy nalang ang lahat ng estudyante ngayon sa skwelahan sa mga hindi pa na natatapos na mga requirements. Tapos na rin ang final exams. Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi nakapag-aral na ako at kadalasan naman sa mga tanong dun ay lumabas na sa semi-finals.

"Nako, ikaw besh ha, kampanteng kapante ka lang jan," sabi sakin ni Bea. Nasa classroom lang kami ngayon at kasalukuyang hinihintay yung adviser namin. Nagtataka kaming lahat kasi hindi pa naman minsang na-late 'yon.

"Good morning everyone, please proceed to the school auditorium ASAP," biglaang sabi ng adviser namin na ngayon ay nasa harapan na pala namin.

Wala nang nakapagtanong kung bakit kasi agad naman siyang lumabas. Akala ko lahat ng mga estudyante yung papupuntahin doon kaso yung ibang grade levels hindi naman lumabas.

Nung nakarating kami doon, wala pang tao. Pero naka-on na yung aircon tsaka nakahilera na rin yung mga upuan. Inaayos na din yung projector na may nakalagay na 'Congratulations Grade 10 students' sa harap.

Ah, grade 10 lang pala.

Pero bakit may pa-congrats? Naupo na kami ni Bea sa pinakaharap. Sinabi ko pa sa kaniya na hintayin na lang namin yung last section para tabi ni kami ni Christine pero umiling iling lang siya.

"Besh, alam mo, kinain mo lang talaga yung lahat ng sinabi mo," sabi ni Bea at napaka krus ng kamay.

"Ha?" yun na lang yung lumabas sa bibig ko kasi hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Sabi mo dati, hinding hindi ka magkakagusto sa isang lalaki, lalong lalo na dun kay Kent! Pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin girl Diyos ko!" tugon niya.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa sinabi niya. Sinabi pala ni Christine dati yun?

"Wala naman akong sinabing ganyan eh," sabi ko nalang.

"Anong wala? Yun nga yung sabi mo habang nag-aayos tayo para sa JS Prom," sabi niya at napa-singkit pa ng mata. "Speaking of Prom, parang naging close nalang kayo bigla ni Kent pagkatapos niyong magbangayan sa roof top nun," dagdag pa niya.

Napangiti ako sa sinabi niya at napakamot sa batok. Hindi ko lubos maisip na yun yung daan para magkalapit kami ni Christine. Kahit papaano, may mabuti ring naidulot itong pagpapalit namin ng katawan.

Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon