Chapter 3

740 120 118
                                    

CHRISTINE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHRISTINE

I gazed upon the mirrow and saw myself getting retouched. 

Nasa bahay ngayon si Bea at sabay kaming nag-aayos para sa JS Prom. Kami lang dalawa ngayon ang nag-aayos sa isa't isa at hindi na ako kumuha ng stylist kasi ayaw ko rin naman magpaayos sa mga di ko kakilala. 

Inaayos ngayon ni Bea ang buhok ko at heto naman ako, nakatingin lang sa sarili ko sa salamin at hindi makagalaw.

"Napakaspecial ng araw na ito no? JS Prom natin tapos February 29 ngayon. Araw na every 4 years lang natin nararanasan," aniya pero inirapan ko lang siya. 

Ano naman ngayon kung leap year? What makes it special?

Tatanungin ko pa sana siya nang biglang mag beep yung phone ko. Di ko naman maabot kasi na sa kabilang table na medyo malayo sakin.

"Ako nang kukuha. Wag ka ng gumalaw diyan baka masira pa yang buhok mo," sabi ni Bea at kinuha yung phone ko at iniabot sa akin.

I'll wait 4 u at d entrance para sabay tayo pumasok. - Received from an unknown number, 2:34 PM

Kainis.

Agad kong dinelete yung message at pinindot yung block button.

"Bakit mo blinock? Eh, gagawa't gagawa rin naman siya ulit ng paraan para macontact ka niya," usal ni Bea.

Oo nga naman. Bea is right. This Kent guy has really gotten into my nerves these past few days. From an obsessed admirer, professional stalker na siya ngayon. 

Ewan ko ba pero simula nung na kita ko siya in person, parang feeling niya close na kami. I don't know kung saan niya nakuha yung number ko pero he's really annoying. Ilang beses ko na siyang blinock, pero may bago na namang number na mag tetext sa akin only to find out na siya ulit yun.

"Hay nako Tine. Grasya na yung lumalapit sa iyo no. Who would have thought na yung Kent palang palaging nagpapadala ng letters sayo ay si Kent Cruz! My Gosh Tine, yung heartthrob na kinababaliwan ng lahat is into you," sabi niya.

"So what? Grasya na siya nun?" pagsusungit ko naman.

Akala ko titigil na si Bea pero mas lalo pa niya akong inasar sa mga ngiti niya.

"As if papatulan ko siya! He's not even accelerating in his academics. He's from the last section," sabi ko naman pero pinagtawanan lang ako ni Bea.

"Well, at least he's well known in his extra curricular activities. Ang galing niya kayang tumugtog ng musical instruments," sabi niya pero inirapan ko nalang siya ulit.

"Whatever. I still won't date him," sabi ko pero tumawa lang siya. "And besides, sabi ko, don't ever mention music again. It's nothing but a bunch of repetitive rythms."

Tumahimik naman si Bea pagkatapos kong sabihin 'yon. Ibinalik na lang niya ulit yung atensyon niya sa buhok ko. She's trying to curl it right now.

Akala ko'y tapos na ang usapan pero ilang saglit pa ay kinulit na naman ako ni Bea.

Our Theory of 11:11Where stories live. Discover now