Chapter 5

559 105 76
                                    

CHRISTINE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHRISTINE

Na sa katawan ni Kent ako ulit!

P-pero bakit? Anong nangyari? Kanina lang ay tandang tanda kong nakabalik na ako sa katawan ko!

"Anong nangyayari?" Sabi ko ng pasigaw kay Kent na ngayo'y nasa katawan ko.

Kahit siya ay nababalisa rin sa nangyayari. Pinaglalaruan ba kami ngayon tadhana or any sort of witchcraft? Bakit ito nangyayari sa amin?

Dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin ngunit bago paman siya makalapit ng tuluyan ay muli kong naramdaman ang pag-iba ng aking pananaw. Tinignan ko ang aking sarili at nakita kong nakabalik ulit ako sa aking katawan. Ano itong nangyayari?

De bale, baka nagka malfunction lang siguro yung mahika na nararanasan namin ngayon.

"Mukhang nagka malfunction lang siguro. Sige mauna na ako," sabi ko at naglakad na papalayo. Ngunit sa di inaasahan, muling nag iba ang aking pananaw at muli akong bumalik sa katawan niya.

Nakakainis na ha! Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at inisip ng mabuti ang mga nangyayari ngyon. Sa tuwing lumalayo ako sa kaniya, napupunta ako sa katawan niya. Ngunit sa tuwing magkalapit kami, nagiging normal ang lahat.

Natigilan ako ng biglang magsalita si Kent. "Sa tuwing lumalayo ka, napupunta ako sa katawan mo. Pero sa tuwing magkalapit tayo, nakakabalik tayo sa sarili nating mga katawan". Pagpapaliwanag niya.

Tama! Yun din ang iniisip niya! Tatanungin ko pa sana siya ngunit nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.

"I think I have a solution for this," sabi niya kaya lumiwanag ang aking mga mata.

"Ano yun?" sabi ko naman pero lumapit lang siya sa akin dahilan para makabalik ako sa katawan ko. Patuloy pa siya sa pag lapit sa akin ngunit wala pa rin siyang sinasabi.

"Ano nga yun?" pag-uulit ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita at sa halip ay tinitigan niya lang ako kaya umiwas na ako ng tingin. Napaka manyakis niya talaga! Sasabihan ko na sana siya ng manyak pero sa wakas, nagsalita na rin siya.

"Mukhang mas kailangan nating pahabain yung halik," sabi niya.

Hayop! Ang bastos talaga! Akmang sasampalin ko na sa siya pero may bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa di kalayuan. Bigla na lamang bumukas yung double-door na entrance papunta dito sa rooftop.

Imposible namang bumukas iyon nang dahil sa hangin sapagkat may spring naman ito kaya't kusa talaga itong magsasara. Ngunit kabaliktaran ito sa aming nakikita ngayon. Kusa itong bumukas at ngayo'y hindi na sumasara na tila ba tinatawag kami nito upang pumasok.

Nalaman ko nalang na dinadala na pala ako ng mga paa ko papasok sa pintuan. Sumunod naman sa akin si Kent dahilan upang manatili ako sa aking katawan.

Our Theory of 11:11Where stories live. Discover now