Chapter 1

1.6K 195 173
                                    

CHRISTINE

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

CHRISTINE

Hindi alintana sa inuupuan ko ngayon ang langit pero alam kong papalubog na ang araw. Sapat na ang dumidilim na paligid, ang kumokonting tao, at ang lamig na unti unting yumayakap sa akin para malaman ko ito.

"Besh oh, may nagpapaabot na naman sayo," sabi ni Bea at inabot sakin ang isang love letter na punong puno ng glitters.

Yuck! I hate glitters!

Tinignan ko muna yung pangalan ng nagpapadala pero napa buntong hininga na lang ako nang makita ko 'yon.

Seriously? Another stupid love letter from this guy named Kent? Hindi ba talaga siya napapagod sa pagbibigay sa akin ng love letters every week? Ganon na ba talaga siya ka obsessed? 

The last time I checked, simula pa nung June nagsusulputan 'tong mga confessions and cheesy letters na 'to, and from different guys. Binubusted ko naman sila ng diretso kaya tumigil. But this Kent guy, hindi talaga siya sumusuko. 

It's already February pero heto, padala parin ng padala ng sulat. Hindi ba siya nakaka intindi ng salitang busted? And heto pa ha, hindi ko pa siya nakikita in person. Ni hindi ko alam yung itsura niya.

Halatang torpe.

"Oh, anong sabi?" tanong sakin ni Bea na kanina pa pala nag aabang sa reaksyon ko habang sinusuri yung letter. Nandito lang kami ngayon sa isang bench sa main hallway, habang hinihintay yung mga sundo namin.

This is my favorite spot inside the campus. Minsan, dito na rin ako nagsusulat ng mga articles for my projects.

Bonus na lang yung wifi na abot hanggang dito mula sa principal's office.

"Hindi ko binasa," sagot ko.

Hindi ko naman talaga binabasa 'tong mga sulat na 'to. Tinatapon ko lang diretso sa basurahan.

"Bakit hindi mo subukang basahin? Oh, better yet, bigyan mo siya ng chance," sabi sakin ni Bea pero inirapan ko lang siya. "Alam mo besh, malay natin baka pwede mo siyang maging date sa JS Prom," dagdag pa niya.

"At sino bang nagsabi sayo na kailangan ko ng date?" bulyaw ko.

"Hay nako, bahala ka nga sa buhay mo. Alam mo, buti ka nga eh, may nagkakagusto sayo. It's nice to have someone admiring you kaya. Ako nga eh, nagwiwish ako tuwing 11:11 na sana, manotice na ako ng crush ko," sabi ni Bea.

Seryoso? Nagpapaniwala siya sa mga ganyan? Tatanungin ko na sana siya pero biglang nag beep yung phone niya.

"Oy una na pala ako, na sa gate na daw si kuya, bye besh," sabi ni Bea at kumaway kaway na siya paalis. I checked my phone only to find out na quarter to 6 na pala. What's taking my driver so long? Napa buntong hininga na lamang ako habang naghintay pa ng ilang minuto. Habang naka upo, napa isip ako bigla sa mga sinabi ni Bea. 

Our Theory of 11:11Où les histoires vivent. Découvrez maintenant