Chapter 2

956 143 196
                                    

KENT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KENT

Tinatamad na naman akong magbihis. Heto ako ngayon, ayaw pasamahin ni dad sa hapunan hangga't hindi ako nakakapagbihis.

Bakit ba kasi?

Aangal pa sana ako pero mas nangingibawbaw ang gutom ko kaya umakyat nalang ako sa kwarto para magbihis.

Agad naman akong lumabas pagkatapos kong magpalit. Habang pababa na ako, nakita kong pumasok si Kuya Kyle.

"Dad, you won't believe what just happened a while ago," sabik niyang saad kay dad pagkatapos magmano.

"Ano naman yun?" sabi naman ni dad habang tumatawa na parang excited rin sa sasabihin niya.

Naku, ano naman kayang kabalstugan tong ginawa ng kapatid ko. Magsasalita na sana siya kaso nakita niya ako.

"Huy Kent, halika ikukwento ko rin sayo yung nangyari!" tawag niya sakin. "You should really hear this."

"Ano na naman ba yan kuya?" sagot ko at naupo na sa hapag kainan. Nakita ko pa kung paano ako suriin ni dad para tingnan kung nakapagbihis na ba talaga ako ng buo.

"May tinulungan akong babae kanina na muntik ng mapahamak kasi mukhang may bumabastos sa kaniyang mga lalaki," pagkukwento niya pero naningkit lang ang mga ko roon.

"Weh? Ano namang ginawa mo?" sabi ko naman na parang hindi naniniwala.

"Napatumba ko yung 4 na lalaki, syempre. And guess what, that girl is from your school!" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Talaga kuya? Pati rin ba yung mga lalaki?"

Hindi naman sa wala akong pake dun sa babae pero I'm more concerned with those guys. Pano kung dun din sila nag-aaral? Baka yung crush ko naman yung mapahamak! Ang ganda pa naman nun.

Wag niyo na itanong kung sino siya ok? Siya lang naman ang babaeng nagpapatorpe sa isang Kent Cruz na kilalang kilala sa St. Luiz.

"Well, iba yung uniform nila eh kaya I guess they're from a different school," sabi ni kuya kaya kaya medyo nakahinga na ako ng malalim.

"Pero wait? Pano ka naman napadpad doon? Siguro may balak kang sunduin ako no? Si kuya talaga miss ako palagi yiee!" biro ko naman kaya napatawa silang dalawa ni dad.

"Tanga! Doon din naman ako dumadaan no! Nakita ko lang talaga yung scene along the way," sabi ni kuya at umakyat na sa itaas. "Bihis lang muna ako."

Lumipas ang ilang oras at nagsimula na rin kaming kumain. Tahimik lang kaming tatlto. Hindi ko naman maawat ang sarili ko sa tuwing napapapikit ako pagngumunguya. Ang sarap talaga ng sinigang ni dad.

"Actually, may gusto akong sabihin," biglaang tugon  ni dad kaya napatingin kaming dalawa ni kuya sa kaniya. "Aalis muna ako sa bansa," dagdag pa niya na ikinagulat ko.

Our Theory of 11:11Where stories live. Discover now