Chapter 21

236 48 23
                                    

KENT

Hindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.

Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako.

"Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo.

"Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isama si kuya Kyle dito eh kasi ang alam niya, hindi ako yung nasa katawang ito ngayon," saad ko.

Napatingin ako sa mga puting ulap na ngayon ay unti unting tinatabunan ang araw dahilan para mabawasan yung init nito at magakaroon ng panandaliang lilim.

"Ang okay sana ma 'no kung magagawa namin ni kuya yung palagi naming ginagawa kada-taon," sabi ko ulit nung muli akong lumingon sa puntod ni mommy. Naaalala ko tuloy na nagpipicnic at nagkakantahan kami ni kuya dito tuwing birthday ni mama. Napaisip muna ako sa mga alaalang iyon nang bigla kong maalala yung oras.

"Ah, oo nga pala ma, kailangan ko ng umalis. Huwag ka pong mag-alala, babalik po ako dito at kakantahan po kita ng marami," sabi ko at pinagpagan na ang suot ko tsaka tumayo. Napatingin naman ako sa pamilyar na sasakyan na ngayon ay parang naghahanap na ng pwesto para ipark.

Andito na si Kuya Kyle! Kailangan ko ng umalis bago pa niya ako makita!

Mabilis naman akong nakaalis nang hindi napapansin ni kuya at agad na rin akong nakakuha ng taxi nung makalabas na ako sa sementeryo.

Habang nasa biyahe ay hindi na ako mapakali habang tinignan ang oras na patuloy sa pagtakbo. "Paki-bilisan nalang po manong," tugon ko sa driver.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago namin narating yung stadium. Hindi ko alam pero nung pagbaba ko ay unti unti na akong kinakabahan at pinapawisan. Patuloy lang ako sa paghakbang papalapit dun sa double door na entrance. Papasok na sana ako kaso bigla na lang akong hinarang ng gate keeper.

"Pass niyo po?" Tugon nito.

Lagot, wala akong pass.

"Ah, nakalimutan kong dalhin eh," sabi ko at napakamot sa batok.

"Nako miss, hindi po kayo makakapasok nang walang pass," sabi nito dahilan para mas lalo akong kabahan.

"Promise po. Saglit lang talaga, may nakalimutan po akong ibigay doon sa isa sa mga contestant eh," sabi ko at sinubukan ko pang magpout.

"Kaano-ano niyo po ba yung contestant?" Tanong nito dahilan para mapangiti ako. Mukhang nakombinse ko naman siya.

"Ah, b-boyfriend ko po," tugon ko nalang. Hindi naman siguro malalaman ni Christine na sinabi kong boyfriend niya ako.

"Sige miss, limang minuto lang ha," tugon nito at lumingon dun sa dalawang lalaking nakabantay sa double door at sinenyasan ito na buksan.

Pero bago pa man nila ito nabuksan ay narinig kong nagsimula ng tumugtog ang kantang gustong gusto kong marinig. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla na akong napatakbo sa entrance. Agad naman nila itong binuksan dahilan para bumungad sa akin ang sarili ko na ngayon ay tumutugtog na sa entablado.

Our Theory of 11:11Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin