Chapter 18

251 51 46
                                    

I recommend listening to Can't Take My Eyes Off You cover by Justin Vasquez in the middle part of the chapter:> External link available!

I recommend listening to Can't Take My Eyes Off You cover by Justin Vasquez in the middle part of the chapter:> External link available!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KENT

Tama nga ang mga sinasabi ng mga matatanda. Na sa huli talaga ang pagsisisi. Eh, pano ba kasi, para tuloy akong body guard ngayon nina Christine at Bea. Kanina pa ako sunod ng sunod sa kanila dito sa mall. Hindi ko rin naman maiwan si Christine kasi tiyak na mapapahamak kami.

Nako, kung hindi ko lang siya gusto eh.

Napagtanto ko na kumakain na pala kami ngayon sa isang cafe sa ground floor.

"Nako napakagentleman ni Kent besh ha, kanina pa talaga siya sunod ng sunod sa atin," dinig kong sabi ni Bea kay Christine.

Napalingon naman si Christine sakin pagkatapos sabihin ni Bea 'yon pero sa 'di inaasahan ay bigla niya akong binigyan ng approve sign kasabay ang isang ngiti.

Anong ibig sabihin ng senyas na 'yon?

Napaisip pa ako pero mas na lamang naguguluhan ang isipan ko. Nagpapasalamat ba siya sakin kasi sinamahan ko siya ngayon? Panay pa ako sa pag-iisip pero nagulat na lamang ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Kahit sina Bea at Christine ay napalingon din sa direksyon kung saan nanggaling yung boses. Mas lalo pa akong nagulat nang mapagtanto kong sina Ethan at Augustus pala yung tumatawag sa akin na ngayon ay kumakaway habang papalapit sa amin.

"Kaya pala ayaw mong sumama samin ha, may mga ka-date ka pala," tugon ni Augustus at tumawa pa sila ni Ethan ng malakas.

Hindi nalang ako sumagot pa kasi naiinis na ako. Date ba ang tawag nila dito? Kung wala sana si Bea ngayon, mukhang matatawag ko pa 'tong date.

"Mga kaibigan kayo ni Kent Cruz right?" Biglang tanong ni Bea sa kanila. Napatango naman silang dalawa at ngayon ay nakatuon na ang pansin kay Bea.

Agad namang tumayo si Bea at binigyan ng senyas sina Ethan at Augustus ng lumapit sa kaniya. Pagkatapos nun ay may ibinulong si Bea sa kanila dahilan para mapangiti ang mga ito. May ibinulong din si Ethan sa kanila at nagtawanan pa sila.

Nagkatingin naman kami ngayon ni Christine sa kanilang tatlo at wala talagang kamalay malay sa mga pinag-uusapan nila ngayon. Pero sa totoo lang, alam kong may balak silang gawin.

Pagkatapos mag usap-usap ng tatlo ay bumalik na si Bea sa pagkaupo. Nagpaalam naman sina Ethan na may titignan lang sa kabilang tindahan at sinabihan lang ako na sumunod doon kung gusto kong sumama.

Lumipas ang ilang minuto at ngayon ay panay lang ang pag-uusap nina Bea at Christine. Heto naman ako, dinadahan dahan lang ang sa pag-inom ang hawak kong coffee jelly habang nakikinig sa kanila kahit hindi ko naman talaga alam yung pinag-uusapan nila.

"Kent, if you excuse us for a minute? May secret lang akong sasabihin kay Christine," biglaang sabi ni Bea sakin dahilan para magulat kaming dalawa ni Christine.

Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon