Chapter 18 - Happy? Birthday.

105 11 8
                                    

Yoseob's POV

Ang saya nung Christmas! Sobrang nag-enjoy akong kasama sila. Ang dami naming ginawa. Una syempre dahil pasko, nagsimba kami. Sunod pumunta kami sa park tapos nagpicnic kami. Ang ganda ng view. Ang daming magagandang bulalaklak, tapos ang sarap pa ng simoy ng hangin. Oo nakain ko yung hangin ang saraaaap! Joke. Basta marami pa kaming pinuntahan.

January 5 ngayon. Di niyo ba alam na birthday ko na!? Happy Birthday sa'kin!

Ma-text nga sila Dujun at Junhyung..

To: Dujun, Junhyung

Pre! Birthday ko na!

Ilang minuto lang at nagreply na sila.

From: Dujun

Anong paki ko?

From: Junhyung

Anong gagawin ko?

Ang babait ng mga kaibigan ko 'no? Imbes na batiin ako, binara pa'ko. Good job!

To: Dujun, Junhyung

Mga pinakamamahal kong kaibigan. Maraming salamat kasi hindi niyo manlang ako binati. Yan ang pinaka magandang birthday gift na natanggap ko
-_-

From: Dujun

You're welcome pre. Buti na-appreciate mo yung mumunting regalo ko sa'yo.

From: Junhyung

You're welcome! ♡

Mga bwisit 'tong mga 'to. Sineryoso yung sinabi ko. HINDI BA NILA ALAM NA NAGJO-JOKE LANG AKO!?

Hindi ko na sila ite-text. Mga bwisit.

*Ding dong*

Sino kaya yung nagdoor bell? Bwisit yun. Sarap pa ng higa ko dito.

Bumaba na'ko para tignan kung sino yung bwisit na nagdoor bell. Pagkatingin ko sa gate, walang tao. Pero may box na nakalagay sa sahig.

Pumunta ako sa labas para tignan kung ano yung laman ng box.

Nagulat ako sa laman ng box. Ito nanaman siya. Nagpadala nanaman siya ng panibagong threat. Si Heartless Friend.

Nagpadala siya ng picture ko na puro dugo tapos may R.I.P ulit. May message ulit siya sa likod ng picture.

Sabi niya HAPPY Birthday sa'yo ah. Itong hawak mo yung regalo ko sa'yo. Picture mo na puro dugo. Ang ganda 'no? Sana na-appreciate mo. Wait ka lang mamaya, may ipapadala pa 'kong regalo sa'yo. - Heartless Friend

Ano bang gusto niya!? Gusto ba talaga niyang mapasakanya si Yoon-mi!? Yan ba yung gusto niya!? Pasensya na siya pero HINDING-HINDI KO MABIBIGAY SI YOON-MI SA KANYA.

Dahil unang-una, wala naman dito si Yoon-mi. Pangalawa, hindi naman sa'kin si Yoon-mi. At pangatlo, kung maging sa'kin man si Yoon-mi, wala akong ni katiting na balak na ibigay si Yoon-mi sa kanya.

Birthday na birthday ko, yan yung isasalubong niya sa'kin!? Bwisit talaga!

"Uy Baby Yoseooooob! Happy Birthdaaaayyy!!" Dujun sabay niyakap ako.

Aba naka-isip din pala 'tong sila Dujun na pumunta at batiin ako.

"Bulilit! Happy Birthdaaaaaayy!" Junhyung.

"Buti naka-isip kayong batiin ako."

"Wow naman! Nagda-drama si bulilit!" Junhyung.

"Baby Yoseob wag ka ng magtampo. Buti nga pumunta pa kami dito para lang batiin ka eh." Dujun.

He's A Cross Dresser (On going)Where stories live. Discover now