Chapter 24 - Dream? Is That True?

33 1 0
                                    

Yoon-mi's POV

Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nung may nagpadala sa 'kin nung sulat na 'yon. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-gets ang gustong ipa-hiwatig nung nagpadala sa 'kin.

Na-kwento ko na rin kila Jaehyeon at Cheryl ang tungkol sa sulat pero kahit sila, hindi din nila maintindihan. Kaloka talaga 'yon.

Nakakatamad naman. Wala kasing pasok ngayon eh. Hindi naman ako pwedeng gumala. Simula kasi nung kinwento ko kila mommy at daddy yung nangyaring bugbugan portion sa pagitan ni Jaehyeon at nung lalaki, hindi ako pinayagan gumala ni mommy. Baka daw kasi mapahamak ako.

Kaya tuloy taong bahay ako ngayon. So sad.

Tatawagan ko nalang si Jaehyeon pati si Cheryl para pumunta dito sa bahay.

*Jaehyeon Calling* *Ring ring*

Ilang saglit pa at sinagot na ni Jaehyeon ang tawag.

(Hello? Ba't ka napatawag?) masaya nitong sabi.

"Wala kasi akong kasama sa bahay eh. Punta kayo ni Cheryl dito sa bahay." pagpapacute ko ng boses.

(Alam mo mas maganda kung gumala tayo.) suggest ni Jaehyeon. Ngek. Hindi nga ako pwede eh.

"Hindi ako pwede gumala eh. Pinagsabihan ako ni mommy. Punta nalang kayo ni Cheryl dito sa bahay. Nood tayo ng movie." Sana naman pumayag na 'to.

(Sige. Hintayin mo nalang ako dyan.) sabi niya.

"Tatawagan ko na rin si Cheryl para masabihan ko." Parang narinig ko pang magsasalita si Jaehyeon pero ibinaba ko na agad ang phone. Ang bastos ko eh. Haha.

Uminom muna ako ng tubig pagkatapos ay tinawagan ko na si Cheryl .

*Calling calling* *Toooooot*

Ay. Ba't ayaw? Tinawagan ko siya ulit.

*Calling calling* *toooooot*

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Yan nalang ang narinig ko. Bakit kaya? Pagkababa ko ng phone, biglang nagtext si Jaehyeon.

From: Jaehyeon

Yoon-mi, wag mo nang tawagan si Cheryl. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay niya tutal magkapit-bahay naman kami.

Hinintay ko nalang silang dumating. Habang naghihintay, binuksan ko muna yung TV para hindi naman ako masyadong maburyo.

Pero halos thirty minutes na, wala pa rin sila. Ang tagal naman nila. Kahit papaano naman malapit-lapit lang yung bahay nila sa bahay ko.

Nahiga na ako sa sofa sa sobrang tagal nila. Dahan dahan nang pumipikit ang mga mata ko sa sobrang antok. Hanggang sa tuluyan na itong pumikit.
              
               
                  
Nagdikit na ang aming mga labi. Ngumiti ako pagkatapos maghiwalay ng aming mga labi at ganon din siya.

Pagkatapos naming mangako sa isa't isa na kami lang hanggang sa huli, mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Bumalik ang tingin namin sa mga kumikislap na mga bituin sa langit habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

"Sana palagi nalang tayong ganito 'no? Yung walang problema, yung walang iniisip kung hindi ang isa't isa."

Ngumiti ako habang nakatingin pa rin sa langit.

"Sana nga ganito nalang palagi."

Biglang lumakas ang hangin pagkatapos ko iyon sabihin. Tumaas ng bahagya ang mga balahibo ko ng tumama ang hangin sa balat ko.

He's A Cross Dresser (On going)Where stories live. Discover now