Chapter 9 - Their Moments Together

180 14 3
                                    

Yoseob's POV

1:00 p.m

Ang laki pala nitong Raven's Arcade. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito eh.

"Magkano ba daw yung Token nila?" sabi ni Junhyung

"Tanungin mo kaya." sabi ni Dujun.

"Aba! Kayo na nga lang yung ililibre kayo pa 'tong uutus-utusan ako?" sabi ni Junhyung.

"Ito na nga po Sir. Sorry." sabi ko.

Pumunta na 'ko sa may bilihan ng token.

"Ah.. Miss magkano ang isang token?" tanong ko.

"Php. 5.00 lang po." sabi nung babae.

"Sige. Salamat." sabi ko.

Bumalik na 'ko kila Junhyung at Dujun.

"Pre, Php. 5.00 daw isa." sabi ko.

"O, ito Php. 1,000. Ipangbili niyo lahat yan kung gusto niyo." sabi ni Junhyung.

"Hala! Ang laki naman!" gulat na sabi ni Dujun.

Nakakapanliit naman 'to si Junhyung. Token lang ang bibilhin namin tapos Php. 1,000 yung ibibigay.

Hindi naman yata nagsasayang ng pera 'to.

"Tara na! Bili na tayo!" sabi ni Dujun.

Pumunta na kami ni Dujun sa may bilihan ng token. Iniwan muna namin si Junhyung sa may entrance ng Raven's Arcade kasi ayaw niyang sumama.

"Miss, token nga." sabi ko.

"Magkano po?" sabi nung babae.

"One-" sabi ko.

"Php. 1,000!!" singit ni Dujun.

"A-ah.. Wait lang po sir."

Umalis yung babae at pumunta sa likod kung saan nakalagay yung mga stock ng tokens at kumuha.

"Pre, Anong trip mo? Bat ka sumisingit sa usapan?" tanong ko.

"Kanina pa kasi siya nakatingin sa'kin eh. Type yata ako. Nagpa epal lang ako. Tignan mo, nautal. Masyado yatang nagandahan sa boses ko." sabi ni Dujun.

Ang yabang naman nito.

"Pre, ang sabihin mo na lang, ang panget mo kaya ka niya tinitignan! Hahahaha" pang-aasar ko.

"Ako pa sinabihan mo ng panget. Si YOON DUJUN 'tong kaharap mo! AKO LANG NAMAN ANG HEARTTHROB NG CAMPUS NATIN. At para sabihin ko sayo, mas gwapo ako sa inyong dalawa ni Junhyung." pagmamayabang ni Dujun.

"Ang kapal mo! Sige nga kung talagang gwapo ka patunayan mo." sabi ko.

"O sige sandali, pagkabalik nung babae." sabi ni Dujun.

Habang naghihintay kaming bumalik yung babaeng pinagbilhan namin ng token, tumingin ako sa may bandang entrance kung saan naka pwesto si Junhyung. Pagkatingin na pagkatingin ko, nakita kong dumaan si Jaehyeon.

Hala! nandito si Jaehyeon! Saktong sakto, paglalapitin ko na silang dalawa ni Junhyung! Woohoo! Mangyayari na rin yung mga plano ko! Ano kayang itsura ni Junhyung mamaya? Hahahaha. Magiging masaya 'to!

"Pre, wait lang ah. Hintayin mo yung tokens natin. May pupuntahan lang ako. Diskartehan mo yung babaeng nagbebenta ng tokens kung gusto mo! Hahahaha." sabi ko kay Dujun.

"Ge. Ako bahala." sabi ni Dujun.

Pumunta na 'ko kay Jaehyeon para ayain siyang maglaro kasama namin.

"Jaehyeon! Jaehyeon!" sigaw ko.

Humarap si Jaehyeon at lumapit sa'kin. Si Junhyung naman gulat na gulat kasi di niya yata na pansin si Jaehyeon kanina. Hahahaha ang sarap pag tripan nitong dalawang 'to!

He's A Cross Dresser (On going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu