Chapter 23 - That's what you get!

58 7 6
                                    

Yoseob's POV

Tentenenen! Galing na ko! Makakapasok na ulit ako at makikita ko na ulit si Yoon-mi! I'm so excited!

Kakatapos nga lang pala akong make-up-an ni Jaehyeon at ngayon ay sabay na kaming papasok gamit yung kotse niya. Haha. Tipid tipid ako ngayon sa gasolina kasi laging kotse ng iba yung ginagamit ko kapag papasok.

Ngayon ay bumabyahe na kami para pumasok.

"Yoseob, kapag tinanong ka nga pala ni Yoon-mi tungkol sa hindi mo pagpasok sabihin mo dahil sa malalang sakit ah. Sabihin mo sobrang nakakahawa. Yun kasi yung sinabi ko sa kanya eh." Sabi ni Jaehyeon habang nagmamaneho.

"Bakit naman? Bakit yun yung sinabi mo sa kanya?" ba't kaya yun yung sinabi niya?

"Kasi, may balak siyang dalawin ka nung sinabi ko na may sakit ka. Hindi ka naman niya pwedeng makita ng walang make-up di ba? Kaya ang sabi ko, sobrang malala yung sakit mo tapos nakakahawa." paliwanag niya. Sayang naman. Mas mabilis sana yung recovery ko nun kung sakaling dumalaw siya.

"Ganun ba? Sige sasabihin ko yun." sambit ko.

Ilang saglit pa at nakarating na kami sa RU. Naging tahimik lang ang pagbabyahe namin, kasi parang may problema si Jaehyeon. Hindi ko alam kung ano pero alam kong masusulusyonan niya yun.

Nakarating na kami sa room namin. Nakita ko na naman siya. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas simula nung huli ko siyang makita. Grabe, nakakamiss.

"Hi Cheryl!! I miss you!" sabi niya sabay hug sa'kin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hays. Iba talaga si Yoon-mi.

Pagkatapos niya kong yakapin, nagbeso na naman kami for the second time at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto nanaman niyang lumabas sa ribcage ko. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko.

"I miss you more!" sabi ko. With feelings yun ah. Na miss ko talaga siya. Sobra.

Na upo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Gaya nga ng sinabi ni Jaehyeon, nagtanong nga si Yoon-mi ng nangyari sa'kin kung bakit hindi ako pumasok. Syempre sinabi ko yung sinabi ni Jaehyeon.

Jaehyeon's POV

Habang nag-uusap sila Yoon-mi at Yoseob, ako naman nag-iisip ng paraan at ng mga plano kung paano ko malalaman kung ano ba talaga ang nililihim nitong si Alexis na katabi ko.

Sumisilip-silip ako kay Alexis na seryosong-seryosong nakatingin at nagta-type sa phone niya. Tinitignan ko yung phone niya baka sakaling mahanap ko yung sagot sa mga tanong na nasa utak ko.

Pero sa kasamaang palad, hindi ko makita kung sino yung ka-text niya. Ang liit kasi ng sulat eh.

"Gusto mo bang ikaw nalang ang mag-reply dito sa kausap ko? Nahiya ka pa eh. Ito na oh." nagulat ako ng biglang magsalita si Alexis. Kanina pa pala siya nakatingin sa'kin at pinagmamasdan kung ano ang tinitignan ko sa phone niya.

Kukunin ko sana yung phone niya kasi ang sabi niya eh ako nalang daw ang mag-reply sa kausap niya kaso binawi na niya agad yung phone at nag-type ulit. Sayang.

"Uy Jaehyeon, ba't ka tinatarayan niyan ni Alexis?" Bulong sa'kin ni Yoseob kaya napatingin ako sa kanya.

"Ewan ko dyan. Lahat nalang napapansin. Sapukin ko yan eh." Bulong ko kay Yoseob.

"Bakit Jaehyeon? Anong problema?" tanong ni Yoon-mi nang makita niya akong nakasimangot habang kausap si Yoseob.

"Ako walang problema, pero yung utak nitong katabi ko meron." Bulong ko sabay patagong tinuro si Alexis. Nagtawanan naman kami sa mga ka-ewanan na sinabi ko.

He's A Cross Dresser (On going)Where stories live. Discover now