Chapter 5 - Best Friend

224 18 8
                                    

Yoon-mi's POV

Hindi ko na nga hinintay pang mag response si Yoseob. kaya umalis na ako agad sa bahay niya at nag madaling maghanap ng masasakyan. May nakita naman akong masasakyan kaya agad na akong nakaalis at hanggang sa nakarating na 'ko sa School ko.

Pumasok na 'ko sa Classroom namin at habang naghihintay ako sa Prof namin, biglang may nag takip ng mata ko gamit ng mga kamay niya...

"Hulaan ko, Si JH ka 'no?" iritableng sabi ko.

"Hindi ako si Jaehyeon!" paglalalim ng boses niya.

Halata naman na si JH (Jaehyeon) siya, dine-deny pa. Perfume pa lang kilalang kilala ko na eh.

By the way siya si Kim Jaehyeon. Siya ang aking matalik na Best Friend (*^_^*). Mag Best Friend na kami since Grade 1. May make-up business siya at siya ang isa sa mga kilalang make-up artist sa buong mundo. At NBSB (No Boyfriend Since Birth) kaming dalawa. Ewan ko ba kung bakit Single pa rin si Jaehyeon. Maganda naman siya. At sa landi niyang yun di pa rin siya nagkakaboyfriend (Joke XD). Ako naman maraming manliligaw kaso hindi nila tinutuloy, dahil sa isang issue. Ayoko ng i-kwento. Masyado lang akong naawa kapag naaalala ko ang issue na yun. Kaya ayaw ko nang magpaligaw.

"Hoy, JH manahimik ka na nga! Alam kong ikaw yan!" sabi ko.

At inalis na niya ang kamay niya sa mga mata ko.

"Oo na sige. Ako na. Si Jaehyeon na nga po. Pero Yoon-mi wag mo na nga akong tawaging JH, parang pang lalaki lang yun eh." sabi ni Jaehyeon sabay umupo sa tabi ko.

"Ayaw mo nun. Bagay kaya sa mga magaganda na katulad natin ang mga pang lalaking pangalan." sabi ko.

"Tooolooogoo!? Bola ka pa e. Pasalamat ka Best Friend kita kung hindi nasampal na kita eh." sabi niya.

"Pasalamat ka nga rin dahil Best Friend kita eh. Di mo ba napapansin? Ako pa lang yata ang nagsasabi na maganda ka. Kung wala ako, walang magsasabi sa'yo na maganda ka." biro ko.

"Grabe ka naman sa'kin. Sobrang hard naman nun. Parang di tayo mag Best Friend ah." sabi niya.

"Sorry! Joke lang naman yun eh. Ito naman galit agad." sabi ko.

"Whatever!" sabi niya.

"Ay! May nakalimutan akong ikwento sayo!" sabi ko.

"Ano nanaman!?" sabi niya.

"Alam mo ba, habang naglalakad ako kanina papunta rito, may nakita akong dalawang lalaking nag aaway." sabi ko.

"So what!?" pagtataray niya.

"Ano ka ba, kung nakita mo lang yung isang lalaki, ANG GWAPO!! TAPOS ANG LAKI NG BAHAY!! KUNG NAKITA MO LANG TALAGA MABABALIW KA! KANINA NGA E, NAKANGANGA NA NGA AKO SA GANDA NG BAHAY E!!" sabi ko.

"San ka ba talaga nababaliw? Sa Guy? o sa House!?" sabi niya.

"PAREHAS!! NAKO! KUNG NAKITA MO LANG TALAGA, ANG PUTI NUNG LALAKI, TAMA LANG YUNG HEIGHT, ANG GANDA NG MATA, ANG GENTLEMAN, NAKAKABALIW!" sabi ko.

"Ewan ko sa'yo Yoon-mi! Para kang ewan! Parang sa lalaki ka lang talaga nababaliw eh." sabi ni Jaehyeon.

"Bakit ba ang taray mo? Meron ka ba ngayon? Sobra ka naman mag suplada -_-" sabi ko.

"Ewan ko sayo." sabi niya.

"Ay meron nga." sabi ko.

"Hoy, Jaehyeon.. Wag ka naman magalit sa'kin, parang di mo naman ako kaibigan eh. Alam mo naman na ganito lang talaga ang ugali ko. SORRY NA! PLEASE!" sabi ko.

"Oo na! Alam mo rin naman na di kita matitiis eh. Pero sana naman bawasan mo na yung pagiging hard mo sa'kin. Parang di naman kita Best friend nyan eh." sabi niya.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon