Chapter 6 - Here Comes the Trouble Again

192 17 9
                                    

Yoseob's POV

Hindi ko nanaman naka-usap si Yoon-mi. Good timing na, naging bad pa.

Teka, kung sundan ko na lang kaya si Yoon-mi? Tutal di pa naman sila nakakalayo sa'kin. Hay nako, umandar na naman ang pagkahenyo ko! Napaka gifted ko talagang tao! tsk! tsk! tsk!

Masundan na nga lang sila Yoon-mi. Pero syempre dapat medyo malayo ako sa kanila, baka mahalatang sinusundan ko pa sila.

Kanina pa sila nagmamadaling maglakad. Ano kayang problema?

Hayaan ko na nga lang yun. Basta susundan ko na lang si Yoon-mi para malaman ko na kung saan siya nakatira.

Habang sinusundan ko sila Yoon-mi, parang nararamdaman ko din na may sumusunod sa'kin.

Tumingin ako sa likod ko at may nakita akong mga grupo ng mga gung-gong (Mga 4 sila) na sumusunod sa'kin. Binilisan ko na lang ang lakad ko para makalayo sa mga gung-gong, kaso tumakbo sila papalapit sa'kin at pinaligiran ako. Ano kayang trip nitong mga 'to? Kapapanget na, harang pa ng harang sa daan. Mga salot!

Nawala na tuloy sila Yoon-mi. Mga salot talaga 'tong mga 'to! Gusto ko silang tadtarin ng suntok kapag napuno ako sa mga 'to.

"Mga brad, ano bang problema niyo? Bakit niyo 'ko pinapaligiran?" inis kong tanong.

"Itatanong lang sana namin kung sinusundan mo si Yoon-mi?" tanong ni boy tukmol. Di ko sila kilala eh, kaya kung ano na lang maipangalan.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"Brad, kung ako sayo, wag mo nang pormahan yang si Yoon-mi, akin na yan eh! Pero kung ayaw mong magpa-awat, bibigyan ka namin ng sample para tumigil ka na" sabi naman ni Boy bayabas.

Ito sigurong si boy bayabas yung leader nila. Makapagsalita 'tong mga 'to akala mo may pag-asa sila kay Yoon-mi, ang papanget naman. Hindi naman siguro baliw si Yoon-mi para sagutin 'tong mga 'to.

"Pre, wala akong pakialam sa inyo, dahil may sarili akong buhay, kaya pwede ba? Padaanin niyo na 'ko?" inis kong sabi sa mga gung gong.

At tinulak ko yung dalawa papunta sa gilid para makadaan na 'ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo, hinila na nila ako pabalik at aambahan ng suntok.

Nasuntok ako sa may pisngi ni boy kalbo. Ang hina ang putek. Daig mo pa babae kung sumuntok eh.

"Di ba sabi ko naman sayo, tigilan mo na si Yoon-mi para hindi ka na masaktan?" sabi ulit ni boy kalbo.

"Hoy kalbo, bago mo sabihin yan sa'kin mag exercise ka muna! Ang hina mo sumuntok eh. Para kang lantang gulay." sarkastiko kong sabi.

"Aba! Mayabang ka ah. Tignan natin kung hanggang saan ka!" sabi ni boy uling.

At umamba na naman sila ng suntok sa'kin. Nasuntok ako ni Boy uling ng mga apat na beses. Medyo malakas na manuntok 'tong uling na 'to.

"Ano bata? Kaya pa ba? Sumuko ka na kasi." sabi ni boy bayabas.

At hanggang sa naipon na nga yung inis, bwisit at galit ko sa mga Mokong na 'to. Inuna ko nang suntukin si boy uling dahil sa siya nga ang nakasuntok ng malakas sa'kin. Nakakailang suntok pa lang ako ng hawakan ni boy tukmol at ni boy kalbo yung braso ko para awatin ako.

Hinawakan nila ng mahigpit yung braso ko para hindi ako makapalag.

Marami-rami narin ang taong nakapaligid samin.

"Hoy brad, wag mong pagdiskitahan yang bata ko. Ang kulit kulit mo kasi eh. Sumuko ka na lang para matapos na 'to." sabi ni boy bayabas.

"Wag ka nang umasang susuko ako. Kasi kaya ko kayong patumbahing apat!" sigaw ko sa kanila.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon