Chapter 14 - Date

180 13 7
                                    

Jaehyeon's POV

Hay salamat! Nakarating na kami dito sa restaurant. Totoo nga yung sabi ni Yoon-mi. Ang ganda nga nung restaurant.

"Jaehyeon, saan mo gustong pumwesto?" tanong ni Junhyung sa'kin.

"Doon nalang tayo sa may gilid."

"Sige." sagot ni Junhyung.

Pumwesto na kami sa may gilid.

Nung umoorder na kami, may narinig akong pamilyar na boses. Parang si Yoon-mi? Kaya tumingin ako sa may lugar kung saan ko narinig yung boses.

Pagkatingin ko, meron lang naman isang matanda na nakaupo sa sahig at dalawang lalaking nasa harapan niya. Yung isang lalaki, naka shades at cap. Yung isa naman naka shades at may mustache.

Ang cute nung mustache nung lalaki, parang may Fix. Ayos na ayos eh. Pero kapag wala yung shades at mustache niya, parang siya si Yoseob. Siguro kamag-anak siya ni Yoseob. Parehas silang cute ^^

Dahil wala naman pala dun si Yoon-mi, ibinalik ko na ang tingin ko kay Junhyung na umoorder.

Habang nakatingin siya sa menu, ako naman nakatitig sa kanya habang nakapangalumbaba. Ang lakas ng dating niya para sa'kin ^^ Mukha kasi siyang bad boy eh.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. Tinatapik niya ako sa braso ko kaya natauhan ako.

"Jaehyeon, okay ka lang?" tanong ni Junhyung.

"Ah, oo naman!"

"Ba't nakatulala ka sa'kin kanina? Siguro nagwapuhan ka sa'kin 'no?"

"Oy, hindi ah!"

"Sus! Kunwari ka pa eh!" sabi ni Junhyung.

"Eh, hindi naman talaga eh!" pagde-deny ko.

"Weh? Ba't namumula ka? Sinasabi ko na, nagagwapuhan ka talaga sa'kin eh!" assuming naman 'tong lalaking 'to :3

Nung nagsalita si Junhyung ng mga ganung bagay, may mga tanong na biglang pumasok sa utak ko.

"Junhyung may itatanong ako sa'yo. Seryoso 'to ah. Wag ka ring magagalit." sabi ko habang nakahawak sa pisngi ko para matago ang pamumula ni Ms. Cheek.

"Hahaha. Ano yun?" hindi ko alam kung bakit siya tumatawa. May saltik yata 'tong taong 'to eh?

"Playboy ka ba? Sabihin mo yung totoo ah." pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon, nawala ang mga ngiti sa mukha niya. Jusko, baka nagalit siya! Wag naman sana..

"Oo. Noon. But the playboy chapter of my life is now closed since I met you." sabi niya with a serious tone.

Jusko po! Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Parang biglang lumamig yung paligid. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dapat pala hindi nalang ako nagtanong.

"A-ah.. e-eh.. Basta wag mong gagawin sa'kin yan kapag naging tayo-"

WHAT THE HELL!? Bwisit! Nadulas tuloy ako!! Muntikan ko nang masabi kay Junhyung. Actually na sabi ko na eh. Hindi kasi nakikisama yung bibig ko eh! Dire-diretso sa kakadakdak.

"Hahahaha. Oo. Hindi ko talaga gagawin yun sa'yo. Diba nga close chapter na'ko sa pagiging playboy?" sabi niya habang tumatawa.

Nakakahiya ang mga nangyayari ngayon. Kung kaya ko lang magteleport papunta sa ibang dimensyon ginawa ko na. Kaso hindi ko kaya. Ang kaya ko lang ay ang magmahal at iparamdam na mahalaga sila sa'kin. What the!? Anong pinagsasasabi ko? Ang drama.

Hindi na'ko sumagot sa mga sinabi ni Junhyung. Baka kung ano nanaman ang masabi ko.

"Jaehyeon, dahil may tinanong ka sa'kin, at nasagot ko naman, ikaw naman ang tatanungin ko. Okay lang ba?" sabi ni Junhyung.

He's A Cross Dresser (On going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin