Chapter 17 - Merry Christmas!

112 12 3
                                    

Yoseob's POV

"Ok. Back to reality na tayo. Next time na natin pag-usapan yung birthday ko. So, ano ng plano natin sa pagcro-cross dress mo? Bulilit?" Junhyung.

Kakasabi lang kanina. Paulit-ulit.

"Pre, kakasabi ko lang kanina. Di'ba sabi ko hahayaan ko nalang yung kung sino mang Heartless Friend na'yun at ipagpapatuloy ko parin yung plano ko."

"Oo nga. Paulit-ulit talaga 'to si Junhyung." Dujun.

"Sorry naman. Nakalimutan ko eh. Pero bulilit, kailan ka ba magsisimula?" Junhyung.

"Siguro malapit na. Kasi ang usapan namin ni Jaehyeon, kapag nagdate na kayo, pwede na'kong magsimula."

"Madali lang naman mameke ng mga kailangan mo para makapasok sa school na'yun. Good thing kasi hindi naman masyadong strict yung school na'yon." Junhyung.

"Oo nga eh. Buti nalang mga magulang ko ang nagpapatakbo ng school nila. Kaya napapabayaan." Ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Junhyung.

"Yung parang pag-aalaga nila sa'kin. Kung ako ngang anak nila di nila naaalagaan ng ayos, yung school pa kaya." Ako.

"Bulilit. Ang drama mo. Siguro may dahilan naman yung mga magulang mo kung bakit kailangan nilang umalis palagi. Don't act like a kid. Ang tanda-tanda mo na eh. Hindi nga lang matangkad." Junhyung.

Okay na sana yung Don't act like a kid. Ang tanda-tanda mo na eh. Dinagdagan pa ng Hindi nga lang matangkad. Matangkad naman ang 5'6 kahit papaano di'ba? T_T

"Kahit sino namang anak na hindi naalagaan ng mga magulang nila, mag-aact like a kid eh. Kasi hindi nila naramdaman ang pagmamahal na dapat binibigay ng mga magulang nila." Dujun.

I love you Dujun! Savior talaga kita! Q_Q

"Pero dapat di'ba intindihin na nila 'yon. Nasa tamang edad na naman siya para maintindihan kung bakit ganun yung mga magulang niya." Junhyung.

"Oo nga nasa tamang edad na si Yoseob. Pero hindi naman pinaintindi ng mga magulang niya kung bakit sila ganun. Kung bakit sila palaging umaalis at iniiwan si Yoseob." Dujun

"Pero kahit pagbaliktarin mo pa yung mundo, hindi mo parin mababago yung katotohanan na kaya nila ginagawa yun, ay para rin sa kinabukasan ni Yoseob." Junhyung.

"For Yoseob's future or for their OWN sake?"

Grabe naman si Dujun. Kahit papaano magulang ko parin naman sila.

"Pre, tama na. Masyado naman kayong seryoso eh. Para kayong nag-aagwan ng girlfriend kung mag-usap. Masyadong seryoso. Change topic na nga."

"Haha. Sorry. Na-carried away lang." Junhyung.

"Bulilit. Sorry kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan. Na-carried away lang din ako eh." Dujun.

"Okay lang."

Nga pala, last day na nga pala ng pasok ngayong taon..

Malapit na ang chritmas. Malapit narin ang new year.

"Pre, last day na nga pala ngayon ng pasok na'tin 'no?" Ako.

"Oo nga pala. Bakit wala tayong christmas party?" Junhyung.

"Pre? Bata? Hoy College na tayo! Hindi na uso yang mga ganyan!" Dujun

"Nagtatanong lang. Nakakamiss na kasi mag christmas party." Junhyung.

"Eh di balik ka sa high school, para maranasan mo ulit." Ako.

"Eh di ikaw! Try mo!" sarkastikong sabi ni Junhyung.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon