Chapter 2 - Love at First Sight

342 20 8
                                    

Yoseob's POV

Hi. I'm Yang Yoseob. 19 years old. 3rd year college. Mayaman, matalino, gwapo, habulin ng mga babae, at PLAYBOY.

Naglalakad na ako sa labas para pumasok sa school. Hindi ko naisipang mag kotse, kasi nakakatamad. Mas sinipag akong mag lakad.

Nang biglang binangga ako ng panget na lalaki. Take note, BINANGGA. Pinaka ayoko pamandin sa lahat ay yung binabangga ako.

"Ano bang problema mo?" sabi sa'kin nung Gorilla na yun.

Aba! Siya pa may ganang magsalita ng ganun, eh siya nga 'tong bumangga sa'kin.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Diba ikaw ang nag simula nito? kaya tatapusin ko na para sayo" sabi ko sa unggoy na'yun.

Bago pa siya sumagot sa sinabi ko ay inunahan ko na siya ng suntok. Natamaan ko naman siya sa pisngi.

Nang biglang..

"Hoy, kayong dalawa, magsitigil nga kayo!" di ko alam kung saan nanggaling ang boses nayun. Teka, parang boses ng babae yung narinig ko ah..

At hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na yun, at laking gulat ko na isa nga siyang babae. Napaka gandang babae. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung nakita ko siya. At yun ang naging dahilan ng pagkatulala ko sa kanya..

Pero hindi nagpaawat itong gorilla na 'to at aakma pa siyang susuntukin ang magandang babae.

"Aba! pumapatol ka sa babae ha! Sige tignan natin" sabi nung magandang babae.

Pero bago pa siya masuntok nung gorilla na yun, na-ilag-an na niya ito. At pagkatapos nun ay inapakan niya yung unggoy na yun ng kanyang High Heels. Kaya ayun. Duguan ang paa. Ikaw ba naman apakan gamit ng High Heels eh. Tignan natin kung hindi yan dumugo. Ang astig niya.

"BWISIT KANG BABAE KA! BAKIT MO AKO INAPAKAN NG HIGH HEELS MONG NAPAGKA TAAS TAAS?!?" aba, ang bastos talaga nung unggoy na yun.

Sasapakin ko na sana yung unggoy na yun pero biglang nagsalita na yung magandang babae.

"Kaya nga High heels kasi mataas! at tsaka, Aber! tinatanong pa ba yun? eh di syempre una dahil makulit ka, ayaw mong mag paawat. Pangalawa, ikaw daw ang nagsimula ng gulo sabi nitong maputing lalaki na'to. At pangatlo, muntik mo na akong suntukin. Sa tingin mo tama ba na pumatol sa babae, ha?"

Pero pagkatapos niya magsalita ay may kinuha siyang kung anong bagay sa bag niya at ibinigay sa lalaki  na yun. Nagulat ako dahil ang binigay niya sa lalaki ay pera. Makapal na tig isang libo. Basta basta na lang siya nagbibigay ng pera sa kung sino-sino. Napakayaman siguro nito.

"O ayan, pang gamot mo. baka mamaya mapaano ka pa, makunsensya pa ako." sabi nung magandang babae.

Pagkatapos ibigay nung magandang babae yung pera sa mukhang unggoy na yun, yung mukha nung lalaki parang nanalo sa lotto. Mukhang pera putek.

"Ay, Miss salamat! kahit papaano mabait ka pala! dapat miss lagi kang maging mabait, kasi lalo kang gumaganda kapag palagi kang mabait" sabi nung lalaki. Nang bola pa.

"Sige na lumayas ka na baka mabatukan pa kita nang wala sa panahon." sabi ni miss beautiful.

"Sige miss! Bye!" sabi nung lalaki. At tuluyan nang umalis yung bwisit na yun.

"Ah, miss salamat pala sa pag-awat sa amin" singit ko ng makalayas na yung maduming hangin na 'yon.

"Ano kaba, wala lang yun!" sabi niya.

"Ah, miss pwede ba kitang mayaya sa bahay ko bilang pasasalamat sa ginawa mo?" aya ko sa kanya. Kahit na nakakahiya, naglakas loob akong aya-in siya sa bahay ko para maraming malaman tungkol sa kanya. Kasi parang na Love At First Sight ako sa kanya.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon