Chapter 22 - Why so weird?

41 7 2
                                    

Junhyung's POV

Halos tatlong araw na ang nakakalipas simula nung mangyari yung aksidente.. Pero hanggang ngayon, halos lahat kami ay di pa rin makapaniwala sa nangyari. Nakaligtas si bulilit! Mabuti nalang at matibay ang bungo niya. Nagkasugat pa siya sa likod ng ulo niya.

Nandito parin siya sa Ospital kasi sabi nung doktor, mga isang linggo pa raw ang kailangan niyang itagal sa Ospital bago siya tuluyang gumaling.

"Buti nalang talaga matigas ang bungo mo 'no?" biro ko kay Yoseob na medyo hindi pa okay dahil ang sabi niya masakit pa daw yung tinahi sa likod ng ulo niya. Ayan tuloy napanot yung part na inoperahan. Mabuti nalang at maliit lang yun at makapal ang buhok niya kaya hindi masyadong halata yung sugat sa ulo niya.

"Mabuti nalang talaga. Kung hindi, baka pinaglalamayan na'ko dito. Haha." biro niya.

*Flashback*

Hay.. Ang sarap magpahinga.. Kakauwi ko lang galing school kasi ang dami kong ginawang project kasama yung mga ka-grupo ko. Alam niyo naman na kailangan kong mag-aral mabuti para sa kinabukasan namin ni Jaehyeon. Haha.

Ano na kayang nangyari sa pagco-cross dress ni Yoseob? Sana naging maayos ang pagco-cross dress niya at sana, hindi umepal yung bwisit na Heartless Friend na yun.

Gabi na rin. Inaantok na'ko maglilinis na sana ako ng katawan para matulog ng biglang may tumawag sa'kin. Si Jaehyeon kaya?

Hindi. Si Yoseob. Hay.. Badtrip. Kala ko naman si Jaehyeon na. Hindi ko sana sasagutin kaso yung daliri ko pinindot yung accept.

"Bulilit? Ba't ka napatawag? Anong trip-"

(Tulu..ngan..m-mo..k-ko..Na..sa..m-may..t-ta..pat..a-a..ko..ng..ba..hay..ko..)

"Bakit? Anong nangyari!?" nag-aalala kong tanong pero narinig ko nalang na parang bumagsak ang phone at hindi ko na narinig na sumagot si Yoseob kaya nagmadali akong sumakay sa kotse ko at nagtungo sa bahay ni Yoseob.

Nakita ko siyang nakabulagta sa tapat ng gate niya at may hawak na phone at isang papel. Punung-puno rin ng dugo ang ulo niya. Kaya naman agad ko siyang binuhat at isinakay sa kotse ko at nagmadaling pumunta sa Ospital.

*End of flashback*

Kapag na aalala ko talaga yung pangyayari na yun, medyo nanghihina ako. Kasi medyo takot ako sa dugo eh. Kaya medyo rin akong nanghihina kapag na aalala ko. Medyo-medyo lang.

Yoseob's POV

*Flashback*

"Yang Yoseob, humanda.. ka.. na.. sa.. kamatayan.. mo.." pagbanggit ko ng mga salitang yun, biglang may liwanag na pumukaw ng atensyon ko at tumambad ang isang motor na humaharurot palapit sa'kin.

Napapikit nalang ako sa sobrang takot na nararamdaman ko...

Naramdaman kong nadali ako ng humaharurot na motor at tumama ang ulo ko sa sahig. Agad naman akong nanghina sa nangyari. Nagpatay-patayan muna ako dahil naririnig ko ang motor na bumangga sa'kin na pinapatunog ng mas malakas ang kanyang motor.

Nang inakala niya na patay na ako, hinarurot niya muli ang motor niya saka nawala sa paligid. Alam kong sinasadya niya ang pangyayari. Ramdam ko.

Kahit na hinang-hina na ako, walang lakas kong kinuha ang phone ko sa palda na suot ko at agad kong tinawagan ang kung sino nalang na mapindot ko. Nanghihina kong inilagay sa tenga ko ang phone ko at hinintay na sumagot ang kung sino mang tinawagan ko. Luckily, agad naman itong sumagot.

He's A Cross Dresser (On going)Where stories live. Discover now